Kinaumagahan ay naging abala ako sa pag-alam ng mga patakaran na dapat kong sundin habang nananatili dito sa bloodmoon. Kinusap ko ng masinsinan si Clifford tungkol sa desisyon ko at mga kondisyon kapag natapos ko ang mission. Hindi naman siya umangal at agad na pumayag.
This place seems to provide a lot of expensive and upgraded stuff for physical abilities and medical use. Hindi lang iyan nalaman ko rin nandito nakatira ang iilang mga mayayamang pamilya na tanyag sa lahat ng pack. But I know they only live here to be safe and use the name of the pack to gain popularity. I know a few of them at wala silang pinagkaiba sa ibang mayayamang pamilya.
Sobrang tahimik ng mansion habang naglalakad ako pababa ng hagdan. May mga katulong naman pero nasa tatlo o limang katao lamang sila na nagsisilbi dito at napansin kong hindi sila masyadong umaakyat sa ikalawa at ikatlong palapag ng mansion marahil sa kadahilanang walang ibang naninirahan dito kundi ang Alpha lang. Nasa ikalawang palapag ang kwarto na panasamantala kong matutulugan at nasa ikatlong palapag naman ang sa Alpha.
Hindi pa man ako nakababa ay nalanghap ko na ang bango ng pagkaing bagong luto. Nang tuluyan na akong tumapak sa ground floor ay naabutan ko ang isang katulong na naghahanda ng pagkain sa isang maliit na dining table sa kitchen. Siya rin iyong babaeng nagbigay ng damit sa akin noong isang gabi. Lumingon ako sa paligid at naghahanap pa ng ibang mga kasama niya pero kami lang ang tao dito sa loob.
"Magandang umaga Miss Celestine." Bahagya akong nagulat dahil alam niya ang pangalan ko. Nakangiti siya at nilahad ang upuan sa harapan niya. "Kumain na po kayo.."
Tumango ako at lumapit tsaka umupo.
"Nasaan ang iba?" Tanong ko habang nililibot ang tingin.
"Wala po akong ibang kasama ngayon dito." Nagbow siya at nanatiling nakatayo sa gilid ko. Bigla tuloy akong nailang sa ginawa niya. Naasiwa ako sa paraan ng pagtrato niya dahil hindi naman ako pumunta dito para tratuhin bilang prinsesa kundi para maging alipin din ng iba.
"Anong nga pa lang pangalan mo?" Umangat ang tingin niya.
"Miya po."
"Miya halika samahan mo akong kumain. Ikaw nagluto nito at nakakahiya namang ako ang uubos ng mga pagkaing niluto mo." Umatras siya at winagayway ang dalawang kamay sa pagtutol.
"Naku! H-Hindi po pwedeng makisabay kumain ng mga katulad naming alipin sa isang mataas na opisyal at mas lalo na po sa mga bisita nila."
"I'm not gonna hurt you okay? Wag kang matakot. Nandito lang naman ako para pagsilbihan ang Alpha niyo. Pareho tayong alipin dito kaya huwag mo akong tratuhin katulad nila. I'm not a visitor nor a royal blood. I'm just a normal girl who want to protect my pack from destroying. Okay?" Napalunok siya at maya't maya'y tumango. Lumapit siya at umupo sa bakanteng upuan.
"T-Thank you Mis--"
"Call me Selene.. Hindi ako sanay sa tawagin ng ganyan." Naramdaman kong gumaan ang loob niya sa sinabi ko. Siguro dahil nararamdaman niyang totoo ang mga sinabi ko sa kanya.
"Thank you Selene." Ngumiti siya at nagsimulang kumain.
Tahimik kaming kumakain at minsan ay tinatanong ko siya ng mga maliliit na bagay tungkol sa bayan na ito. Sumasagot naman siya pero nakapagtataka dahil hindi siya nagdadalawang-isip na bigyan ako ng impormasyon kahit alam niyang hindi ako nanggaling dito.
"Mahirap pakisamahan ang Alpha.." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Takot ang lahat sa kanya dahil sa hindi pang-ordinaryong lakas na meron siya at nakadagdag pa ang lamig na pakitungo niya sa aming lahat. Masyado niyang nilalayo ang sarili sa amin kaya naman ganoon na lang ang takot naming makaharap siya. Kahit na ilang taon na akong naninilbihan dito ay minsan ko pa lang siyang nakita." Huminga siya ng malalim bago nagsimula ulit magkwento.
BINABASA MO ANG
My Cold-blooded Alpha
WerewolfHIGHEST RANK: #1 - Coldblooded #3 - PACK #5 - Ruthless 11 years ago, We lived a simple life, away from the war of our pack. Mas minabuti naming umalis at lumayo kesa manatili sa isang bayang hindi pinahahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa. But st...