N/AN: The first edition of this part was erased at hindi ko alam kung bakit nawala dahil may autosave naman ang wattpad. So I have to redo this chapter which took me a few more days kaya na-delay sa pag update na dapat noong Aug ko pa na publish. Thank you for patiently waiting! It's not too long but I hope you guys will enjoy reading it.
***
"Good morning Selene."
Bati ni Miya pagpasok ko ng kusina.
"Good morning." Bati ko pabalik tsaka umupo sa bakanteng upuan. Kung ikukumpara nung nakaraang araw ay mas maaliwalas ang mukha niya ngayon. Hindi ko nga lang alam kung bakit.
Ang akala ko ay mag-iiba ang pakikitungo niya sa akin pagkatapos ng mga sinabi ko pero parang baliktad yata ang nangyari.
"May pagdiriwang na magaganap mamaya!"
Kinuha ko ang tinapay sa counter at nilagyan ito ng butter tsaka siya tiningnan ulit.
"Para saan?" Walang gana kong tanong.
"Feast of the fire wolf!"
Napaisip ako bago ko naalala ang sinabi ni Julie tungkol sa isang feast ng Bloodmoon hindi ko lang alam kung ang tinutukoy nito ay ang sinabi ni Miya. Mukhang napansin niyang nalilito ako sa sinabi niya kaya nag salita siya ulit.
"Pupunta lahat mamaya sa sentro para makisaya. Pati ang mga nasa school of medicine ay pupunta din! Syempre hindi naman magpapahuli si Alpha Morpheus."
Nang narinig ko ang huling pangalang sinabi niya ay natigilan ako.
"Gaano ba kaimportanteng makapunta diyan at kailangang pati ang Alpha ay pupunta?"
"Magkakaroon kasi ng seremonya na pangungunahan ng Alpha. Ginagawa namin niyan dito taon-taon at para pasasalamat narin sa mga ninuno namin na tumayo ng pack na ito."
Huminto siya sa pagsasalita at tsaka ngumiti. Tila kumikislap ang mata niya habang nakatingin sakin.
"At mamaya pagsapait ng liwanag ng buwan, kapag tumama na ito sa apoy na nasa gitna ng gubat mamaya ay mararamdaman mo ang mate mo. Pero dapat nasa paligid mo lang siya para madali mong maramdaman kung malapit nga ba siya sa iyo."
Hindi ako umimik. Maya maya ay umiling ako at ngumisi dahil hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Humarap ako sa mesa at tumuluy nalang sa pagkain ng tinapay.
"Hindi ka ba naniniwala sa mga sinasabi ko Selene?"
Lumapit siya sa akin at umupo sa katabing upuan. Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya.
"Hindi mo pa ba nakikita ang mate mo?"
Nakatilt bahagya ang ulo niya habang hinihintay ang sagot ko.
"I am not looking for one Miya. Huwag mo ngang itanong sakin na para bang naghahanap ako ng makakasama sa buhay."
Ngumiti siya at tumango pagkatapos.
"Iba lang kasi sa pakiramdam kapag nakilala mo na ang mate mo. Parang may parte sa pagkatao mo na nabuo. Pero tama naman ang sinabi mo Selene, hindi mo naman talaga siya dapat hahanapin dahil tadhana na mismo ang maglalapit sa inyo."
I look at her like she said something awful. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa ganyan pero ayaw ko lang maging komplikado pa ang buhay ko. I dedicate my life to be a fighter at may responsibilidad akong dapat tutukan. Wala akong oras para diyan. Napailing ako nang biglang dumaan sa isipan ko ang mukha ni Morpheus.
"Hindi ako parte ng bloodmoon Miya kaya malabong pumunta ako mamaya."
Tumayo siya ulit at itinukod ang kamay sa mesa.
BINABASA MO ANG
My Cold-blooded Alpha
WerewolfHIGHEST RANK: #1 - Coldblooded #3 - PACK #5 - Ruthless 11 years ago, We lived a simple life, away from the war of our pack. Mas minabuti naming umalis at lumayo kesa manatili sa isang bayang hindi pinahahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa. But st...