Dedicated to sleepydandere and miakan_19 ❤ Lots of love to you guys. >3<
***
I can barely breathe after I step outside the mansion of Randall's. Hindi na kami nagtagal pa dahil pinatawag ng Alpha si Jack. Alam kong gumagawa na ng paraan at imbetigasyon ngayon sina Senyor Pablo at Kevin tungkol sa narinig namin kanina mula sa Alpha ng Bloodmoon.
I sigh and lay my body on the bed. Hinawakan ko ang kamay kong may sugat na kanina pa kumikirot, dahil wala ng bisa ang gamot sa katawan ko kaya naman ramdam ko na ang sakit. I close my eyes trying to take a nap pero maya-maya lang ay binuksan ko ang mga mata dahil nararamdaman ko na naman ang sakit.
Umupo ako sa kama at humarap sa salamin. Hinubad ko ang pang itaas at kinuha ang mga gamot sa cabinet, hinanap ko ang gamot sa sugat at nang nakita ko ay kinuha ko ito at binuksan. Lahat ng gamot na meron ako ay ginawa ko mismo. Yes, I lied when I said that I don't know how to make medicine. Ayaw ko lang talagang malaman ng Alpha na iyon ang tungkol sa mga bagay na ito na kahit si Jack ay walang alam. Ang alam niya lang ay mahilig ako sa mga halaman.
Nang natapos ako ay ibinalik ko ito sa loob ng cabinet at tumayo.
"What a collection we got here.."
"Fck!"
Napaatras ako sa sobrang gulat. Nang tingnan ko ang pinanggalingan ng boses ay nakita ko ang di inaasahang bisita.
"Ang akala ko ba ay hindi ka marunong gumawa ng mga gamot?"
Napasinghap ako at hinigpitan ang hawak sa mesa na nasa likuran ko. Why the hell is he here?
I can't believe the bloodmoon's Alpha is in front of me right now! Pero imbes na masurpresa ay kaba ang nararamdaman ko ngayon. Pasimple kong kinuha ang dagger sa taas ng mes, kailangan kong maging alisto dahil hindi ko alam kung anong pakay niya dito.
"Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Jack."
Ngumiti siya at tiningnan ulit ang mga gamot na ginawa ko na nakalagay lahat sa cabinet. May mga nakasulat na pangalan sa bawat isa sa mga ito na ginawa ko rin mismo.
"You are really interesting.. How can you hide this from your pack?"
Kinuha niya ang isang bote at itinaas ito at tinitigan. Hindi ako kumibo at hinayaan siyang gawin ang gusto niya.
"Anong kayang magiging reaksyon ni Jack kapag nalaman niya ang tungkol dito?"
"Ano ba talagang kailangan mo?"
Napangisi siya na nagpakaba sa dibdib ko. Nararamdamn ko na hindi siya mapagkakatiwalaan.
"Work in our pack. At kapag pumayag ka, bibigyan kita ng isang magandang regalo."
Ramdam ko na ang pagtanggi ng lobo sa loob ng katawan ko, pero kahit hindi niya sabihin ay hindi parin naman ako basta papayag.
"Wala akong balak magtrabaho o pumunta man lang sa bayan niyo. Kaya kahit ano pang ibigay mo hindi magbabago ang isip ko."
Humigpit ang hawak ko sa dagger nang bahagya siyang lumapit. Bumaba pa ang tingin niya sa katawan kong walang damit pang-itaas at tanging damit panloob lamang ang suot.
BINABASA MO ANG
My Cold-blooded Alpha
WerewolfHIGHEST RANK: #1 - Coldblooded #3 - PACK #5 - Ruthless 11 years ago, We lived a simple life, away from the war of our pack. Mas minabuti naming umalis at lumayo kesa manatili sa isang bayang hindi pinahahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa. But st...