Sumama ako sa iba na sa northwest borders din magbabantay. Alas-singko ng hapon ay naghanda na kami. Hindi ako masyado nagsuot ng makapal na damit para madali para sakin na magpalit bilang lobo. Bitbit ko ang baril na binigay ni Jack two years ago pagkatapos ng ikalabing-walong kaarawan ko. It's very special hindi lang dahil bigay ni Jack kundi dahil nakaukit ang pangalan ng mga magulang ko rito.
"Ano bang iniisip ni Senyor Pablo at isinama ka niya?"
Natigilan ako sa paghahanda ng mga armas na dadalhin. Maging ang iba ay napatigil din sa mga ginagawa nila at tumingin sa gawi ko. I sigh when I recognize who it is. Cole.
The asshole.
"The future luna shouldn't be here with us. Dapat nasa sentro ka na lang at sumunod sa nga utos ni Jack."
Nagtagis ang panga ko sa sinabi niya. One thing I observe habang nakatira ako rito, nahahaluan nila ng malisya ang pagkakaibigan ko kay Jack porket malapit kami sa isa't isa. Tinaas ko ang ulo at dahan-dahang hinarap siya.
Nakataas ang gilid ng labi niya na parang nanghahamon. Bumaba pa ang tingin niya sa katawan ko pabalik sa mukha ko. I found it rude but I did not even flinch of what he did.
"What about you Cole?"
Malamig kong tanong. Nakapamiwang siyang lumapit sa harapan ko.
"Ano?" Taas noong tanong niya pabalik.
"Why are you here anyway? Di ba dapat nasa bukid ka ng lolo mo at nagpapastol ng baka?"
Agad umasim ang mukha niya sa sinabi ko. Nagtagis ang bagang niya sa pagpipigil. Ramdam ko na rin ang pagbabadya niyang pagpalit ng anyo. Pero bago pa siya makalapit ay inunahan ko na siya. Kinuha ko ang baril sa hita ko at itinutok sa kanya. Agad naman siyang natigilan at umatras.
"Nakakalungkot isipin na nagagalit ka agad dahil lang sa simpleng sinabi ko... Control your emotions Cole or else you will left here dying."
Hinawakan ni Eziekel ang balikat niya pero galit na umiwas siya dito.
"Fck. Don't touch me Kel."
"Tama na yan Cole." Pigil niya dito.
"Bumalik na kayo sa mga pwesto niyo." Dagdag na sabi niya sa ibang nakatingin sa amin. Agad naman na sumunod ang mga ito.
"You are damn so lucky we're here.."
I sigh when he left. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang kalaki ang galit niya sa amin Jack. Maybe it started noong nakita namin siyang binubugbog ang isang bantay. Kinausap namin siya ng masinsinan pero agad niya kaming inakusahan na gumagawa ng kwento para lang siraan siya at alam naman naming hindi totoo iyon.
"Anong nangyari dito?"
Napatingin ako sa likuran at nakita si Kevin, matalik na kaibigan ni Jack simula pa noong elementary at ang susunod na magiging Beta. I slightly bow my head and greet him.
Natigilan din ang iba sa paghahanda ng mga gamit at yumuko sa kanya. Lumapit siya sa gawi ko. Agad kong napansin ang mga baril sa bewang niya. Tumingin siya sa akin na may pagtatanong ang mga mata.
BINABASA MO ANG
My Cold-blooded Alpha
Người sóiHIGHEST RANK: #1 - Coldblooded #3 - PACK #5 - Ruthless 11 years ago, We lived a simple life, away from the war of our pack. Mas minabuti naming umalis at lumayo kesa manatili sa isang bayang hindi pinahahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa. But st...