"Ayos ka lang?" Kalmadong tanong ni Jack. Nakahiga kami sa damuhan sa gitna ng kanilang malawak lupain.
Ang hangin ay nililipad ang buhok kong mahaba at sumusunod sa bawat kumpas nito. I look at Jack and see how he gently smile at me, and so I did the same.
"Oo naman. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon." He lift his arms and touch the side of my face. Napangiti ako sa ginawa niya.
"Mabuti kung ganun. Kailangan mo pang magpahinga ng maayos."
Tumango ako at bahagyang ipinikit ang mga mata. Rinig ko ang bawat tunog na nililikha ng damo kapag lumalakas ang hangin. Mapayapa ang lugar kaya masaya akong dito namalagi.
"Selene.. I want to ask you something." I did not bother to open my eyes and just feel the air around me.
"Hmm?"
"Bakit mo sila iniwan?" Natigilan ako at biglang bumigat ang pakiramdam ko. I slowly open my eyes and see how Jack look at me. Nakakunot ang noo niya at nagtagis ang mga panga na tila nagpipigil na magalit.
"What did you just say?" Lumapit siya hanggang isang dangkal na lang ang layo ng aming mukha. Namumula na ang mukha niya sa galit at ang mga kamao niya ay nakakuyom.
"Ba't ka tumakbo at iniwan sila? Ba't hindi ka lumaban?"
"Jack? A-Anong pinagsasabi mo?" I'm starting to tremble. Nanlalamig ang mga kamay ko at ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Ganyan ka na ba talaga kahina? Iniwan mo sila Selene!"
Ipinikit ko ang mga mata at inilagay ko sa magkabilang tenga ang palad para hindi ko siya marinig. Memories starting to appear like a wave. Lahat ng mga tunog na naririnig ko nang araw na iyon ay tila boses na paulit-ulit bumubulong sa tenga ko. Ang mga sigawan, salita at maging ang sakit ay bumabalik.
"Shut up Jack! Shut up!" I scream and scream. Tumutulo ang mga luha ko sa tuwing sumisigaw ako. I just want to forget kahit ngayon lang bakit hindi ko magawa! Bakit hanggang ngayon naaalala ko parin?!
Ilang sandali ay kumalma ako nang hindi ko narinig ang mga ito. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nawala ma sa harap ko si Jack. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi inaasahan ang lugar kung nasaan ako ngayon. Sa bahay kung saan nagsimula ang masamang ala-ala ko.
"Wake up Selene. Malelate ka na sa klase mo."
Napatingin ako sa mukha ni mommy. Maaliwalas at nakangiti siya habang nakatitig sa akin. Nasisinagan ng araw ang kwarto ko kaya sing kinang ng araw ang balat ni mommy.
"Maligo kana okay?"
Ngumiti siya ulit at kasabay nito ang pagbagsak ng luha sa mata ko. I miss her smile. I miss everything about her. Sana hindi ito isang panaginip lang. Kung panaginip man ay ayaw ko ng magising.
Agad akong tumayo at niyakap siya. She pat my head like she used to, at humuni ng pamilyar na tunog.
"I did not raise you to be a coward Selene."
Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang paligid. Magulo at mistulang dinaanan ng bagyo ang loob ng aming bahay. Tumingin ako sa gilid ko at likuran pero hindi ko nakita si mommy. Napatingin ako sa aking harapan at doon ko nakita si dad nakaupo habang nasa kanyang bisig si mom na duguan.
"D-Dad.."
Tumayo ako at lalapit na sana sa kanila nang biglang gumuho ang lupa sa harap ko.
"You run away.. You failed to save your mom. Failed to save us."
I bend my knees and kneel in front of them. Bagsak ang balikat at hindi ko napigilang ibuhos ang lahat ng pagsisisi ko sa bawat luhang pumapatak sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
My Cold-blooded Alpha
WerewolfHIGHEST RANK: #1 - Coldblooded #3 - PACK #5 - Ruthless 11 years ago, We lived a simple life, away from the war of our pack. Mas minabuti naming umalis at lumayo kesa manatili sa isang bayang hindi pinahahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa. But st...