Chapter 13

1.1K 70 1
                                    

The inside looks so much intimidating. May carpet na nilatag sa sahig na tinatahak namin at ang mga kagamitan ay halatang mamahalin sa itsura pa lang nito at disenyo. May mga istatwang kawal ang nakatayo sa magkabilang-gilid ng hallway at sa itaas nito ang mga nakadikit na larawan ng iba't-ibang tao. Pero ang bukod tanging larawan na pumukaw sa interes ko ay ang larawan ng isang lalaki.

Deep set of gorgeous ash eyes, he look so cold and mysterious dahil sa mga malalim niyang mga mata. Sa tingin pa lang niya ay parang manginginig na ang tuhod mo sa kaba. Hindi siya nakangiti kaya mas lalong naging seryoso ang mukha niya pero hindi ang pisikal na katangian niya ang napapansin ko kundi ang pakiramdam na naidudulot ng mga tingin niya na para bang nagkita na kami noon.

Binawi ko lang ang mga tingin dito nang paakyat na kami ng hagdan.

"Anong pangalan ng Alpha niyo?"

Wala sa sariling tanong ko habang nililibot ang tingin.

"Morpheus.."

"What a unique name.. Hindi pa ako nakarining ng ganyang pangalan noon."

Lumingon siya sa akin at ngumisi.

"Are you interested in him?"

Kumunot agad ang noo ko sa tanong niya, tinitimbang kung anong ibig-sabihin niya sa mga sinabi.

"Gusto ko lang malaman ang pangalan niya para naman alam ko kung sinong pagsisilbihan ko."

Umakyat pa kami ng isang palapag pagkatapos ay naglakad sa medyo may kadiliman na hallway pero hindi gaya ng nasa ibaba wala itong anumang palamuti. Napatingin ako bigla kay Clifford nang magsalita siya.

"You don't have to know his name, you can sense him by his aura alone and it's different from an ordinary wolf you see out there.."

Huminto siya sa harap ng isang malaking pinto sabay tingin sa akin.

"We're here."

Agad akong kinabahan at huminto sa tabi niya. I did not even want this to happen. Ni makita o makaharap ang alpha nila ay wala sa isip ko pero nangyari nang hindi ko inaasahan. Siguro ay nahulaan niya ang nasa isip kaya bahagya siyang lumapit at hinawakan ako sa balikat.

"Just check on him. He's sick kaya wala siyang magagawa sa iyo."

Pero hindi man lang nabawasan ang kaba ko sa sinabi niya.

"Kung hindi pala siya masakit, sasaktan niya ako. Ganoon ba?"

Pinigilan niya ang sariling tumawa pero hindi nakatakas sa tingin ko ang ngisi sa gilid ng labi niya.

"No.. Wala ka namang atraso kaya exempted ka. Sige na! Pumasok ka na."

Kumunot ang noo ko.

"Hindi ka sasama?"

Umiling siya.

"No one's allowed to go inside. Except of course the healer."

"What the hell? Bago pa lang ako baka nakakalimutan mo."

"I trust you Selene. I can see through your soul."

Inikot ko ang mata.

"Fuck that ability of yours."

Tinalikuran ko siya at hinawakan ang magkabilang sedura ng pinto. Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang sedura at dahan-dahang pumasok.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng silid at napansing simple lang ito pero sadyang napakalaki para sa isang kwarto lamang. Nakasara ang mga bintana na natatabunan ng manipis na kurtina at tanging liwanag lang galing sa lampara na nakadikit samagkabilang gilid ng pinto ang nagsisilbing ilaw dito.

My Cold-blooded AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon