Hindi ako mapakali habang naghihintay dito sa loob. Part of me wants to go out of this room and follow Jack pero alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang nilabag ko na naman siya. May kumatok sa labas ng pinto kaya napatingin ako dito at nakitang pumasok si Julie. Nagliwanag agad ang mukha niya nang nakita ako.
"Selene!"
Lumapit siya at niyakap ako. Napangiti na niyakap ko siya pabalik. Nakakatuwa na magkapareho sila ng reaksyon ni Jack.
"I'm fine Julie."
Kumalas siya at napunta sa mga sugat ko ang tingin niya.
"Ito na kasi yong sinasabi ko, ayaw mo talagang makinig.."
Ang akala ko ay sesermonan niya pa ako pero ngumiti siya at hinawakan ako sa balikat.
"Pero salamat sayo Selene at ligtas na sina Eric at Senyor Danilo. Ang laki ng sakripisyo na ginawa mo para magamot sila."
Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Iyon lang ang bukod tanging gusto kong marinig sa ngayon.
Ilang sandali ay ikinuwento niya ang nangyari sa akin nung nawalan ako ng malay.
"Nakumpirma na may gumagalang rogue noong gabing iyon.. Pero nakapagtataka lang na natagpuan silang patay sa loob ng gubat kahit na wala namang naidetalye na may nakasagupa ang mga bantay maliban nalang noong may umatake sa inyo."
Napailing ako at naguluhan sa sinabi niya. Bigla kong naalala ang mga sigaw na narinig ko nang gabing 'yon.
"That's impossible. Baka naman sina Kevin at Quin ang gumawa."
Umiling si Julie.
"Hindi eh, kahit ako nagtataka rin.. Natagpuan ang karamihan sa kanila malapit sa kung saan ka nakita. Si Kevin mismo ang nagsabi sa akin.."
Who the hell would do that? Kung wala ni isa sa amin sa pack, sino? Hindi ko na tuloy alam kung sino ba talaga ang kalaban namin.
"Ahm Baka may naaalala ka Selene?"
Napatingin ako sa kanya at natigilan sa tanong niya. Napakagat ako sa ibabang labi tsaka umiling. Ibang bagay ang naaalala ko noong gabing iyon.
"Masyado akong nahilo dahil sa bala na tumama sa balikat ko kaya hindi ka na matandaan kung anong nangyari sa paligid ko."
"Huwag kang mag-alala, natanggal na ang mga lason na nasa katawan mo."
Kumuha siya ng isang mansanas sa basket at binalatan bago binigay sa akin.
"Kumain ka na. Ilang araw ka na ring walang kain at tanging mga gamot lang ang itinuturok sayo para hindi ka gutumin."
Kinuha ko ito sa kanya at ibinaba ang kamay. Tinitigan ko lang ito tsaka tumingin ulit kay Julie. Bigla kong naalala ang pinag-usapan ni Jack at Kevin kanina.
"Bloodmoon pack.. May alam ka ba tungkol sa kanila?"
Nakita ko naman na nagulat siya sa tanong ko. Pamilyar sila pero dahil hindi ako interesado sa ibang pack maliban dito sa amin kaya wala akong masyadong alam tungkol sa kanila.
"Bakit mo naman naitanong Selene?"
"Gusto ko lang malaman.."
Ilang segundo pa ang dumaan bago siya nag salita.
"Masyadong masama ang tingin ng ibang pack sa kanila maging dito sa atin dahil sa estado at pamamalakad ng Alpha nila."
Lumapit siya at umupo sa gilid ko.
"Kilala bilang isa sa may pinakamalakas na depensa at mga lobo.. Walang kumakalaban sa kanila dahil masyado silang malakas, lalo na ang kanilang Alpha."
BINABASA MO ANG
My Cold-blooded Alpha
LobisomemHIGHEST RANK: #1 - Coldblooded #3 - PACK #5 - Ruthless 11 years ago, We lived a simple life, away from the war of our pack. Mas minabuti naming umalis at lumayo kesa manatili sa isang bayang hindi pinahahalagahan ang kaligtasan ng bawat isa. But st...