||J E W E L||
"Ms.Ramirez?"
"Kambal,gising na..Tawag ka ni Ma'am.."
"Ms.Ramirez!Ano ba?"nagising ako nang makarinig ako ng malakas na sigaw,
Napatingin ako kay Storm,na kanina pa pala akong ginigising.
Nagkusot-kusot naman ako ng mata,bago ako tumingin sa harap.
Nakita ko namang nakataas ang kilay ni Ms.Dimapacali habang nakatingin siya sa akin.
At tumatawa naman ang mga kaklase kong babae,lalong lalo na si Izabella.
Tinignan ko naman siya na akala mo'y napakainosente kong kuting,"Yes,Ma'am?"
"Tsk,bakit ka natutulog sa klase ko ha?Don't you know that it's disrespectful?"tanong niya,"My gosh!Hindi porket third week of classes pa lang,at transferee ka ay pagbibigyan kita!"
"Napaka-iresponsableng bata!Kung makagan'yan ka sa'kin,akala mo naman ay alam mo na ang lahat ng pinagsasabi ko dito!"dada niya pa kaya napairap na lang ako.
"Dahil d'yan,tumayo ka dito at sagutan mo 'tong math problem na 'to!"sigaw niya kaya napahikab na lang ako.
"Sure,but are you sure that you're done blabbering?Baka naman kasi may balak ka pang sabihin d'yan.."sagot ko kaya mas kununot ang noo niya.
"Grr..Tumayo ka nga sabi dito,at sagutan mo ang math problem na ito!"sigaw niya ulit.
Umirap ako ulit at sasagot pa sana,nang binulungan ako bigla ni Storm..
"Sagutan mo na lang,Kambal...Napag-aralan na naman natin 'yan eh."aniya kaya napatayo na lang ako.
Pumunta na 'ko sa harap at kinuha ang chalk kay Ms.Dimapacali,
Tinignan ko ang math problem sa harapan at napailing na lang,
Ito lang naman pala,nagsisisigaw pa s'ya d'yan,tsk.
Sinolve ko na ang nakasulat sa board,nang walang kaproble-problema..
"and so,the answer is 1!"
At nang matapos ako,tinignan ko si Ms.Dimapacali bago ko tinignan ulit ang board.
Nginitian ko naman siya nang peke before I showed her my usual resting-bitch face.
"I think that's about it?Paki-tama na lang kung mali.."sabi ko bago 'ko bumalik sa upuan ko.
"Tama ba?'Di ko na masyadong tanda eh."bulong ko kay Storm,
Tinignan niya naman ang blackboard bago siya tumango sa'kin.
"Magyayabang ka na lang,'di mo pa sigurado.."aniya bago umiling.
"Kaya nga sabi kong itama niya na lang kung mali,'diba?"sagot ko naman bago ko tinignan ang reactions ng mga kaklase ko.
Tila ba sinusubukan nilang intindihin ang mga pinagsusulat ko sa board,nang biglang nagpeke ng ubo si Ms.Dimapacali.
"Okay!That's very good,Ms.Ramirez..T-Tama ang solution at sagot mo."sabi niya,na parang napahiya pa siya.
"Nice,"komento ni Abo kaya napatingin ako sa kaniya.
Ramdam ko naman ang biglang pagbilis ng pagtibok ng puso ko..
'Shocks,ba't ba kinikilig pa din ako sa bwiset na lalaking 'to,kahit na nakakainis siya?'ang naisip ko habang nakatingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
I love you so bad || TaeNnie
FanfictionI loved him, he loved me... But I left. And now, I'm back. Pero bakit ganun? Kahit sinabi niyang hihintayin niya 'ko, may iba na? Paano ko na lang masasabi sa kaniya na mahal na mahal ko pa rin siya, kung siya may mahal ng iba? ~~~ STARTED:08/04/18 ...