ILYSB||C14

249 5 2
                                    

||J E W E L||

"Brace?Anong ginagawa mo dito?"nakangiti kong tanong sa lalaking nasa harap ko.

"ahh,'yung kaibigan ko kasi naka-confine dito..Ikaw?"tanong niya pabalik.

"Si Jill kasi,naka-confine din.."nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko.

"Hala!Natutuwa pa naman si Stone hyung nung nalaman niya na nakabalik na pala kayo galing Korea.."malungkot niyang sabi.

Ahh,si Stone Reyes..'Yung katropa ni Brace na may gusto kay Jill.

*tweet!*

Napalingon ako sa phone ko nang mapansin kong may nagtext sa'kin..

__________________________
Roxy na Maganda😘💖
Bessy,wer na u?
-5:02pm
__________________________

5:02pm na pala,hahaha!Ang tagal pala namin sa mall kanina.

"Oh,hinahanap ka na?"tanong sa'kin ni Brace kaya napalingon ulit ako sa kaniya.

Tumango naman ako,"Uhm..oo eh.Mauna na 'ko ha?"

Nginitian niya naman ako kaya napangiti din ako.

"Sige,may pupuntahan din ako eh..Pasabi kay Jill,get well soon,ha?"aniya bago siya pumasok sa elevator.

Naglakad naman ako papuntang kwarto ni Jill.

"oh,ba't ang tagal mo?"salubong na tanong sa'kin ni Storm.

"Nakipagkwentuhan pa 'ko eh.."walang-emosyon kong sagot bago ko siya inirapan."Oh,Jill..Get well soon daw,sabi ni Brace."

Nginitian naman ako nung babaita nang ibigay ko sa kaniya 'yung Starbucks na binili sa kaniya ni Abo..

"So,sinong maiiwan dito at magbabantay kay Jillian hanggang bukas?"tanong ni Jace.

"Ako na lang."sagot ni Storm.

"Eh paano naman 'yung Ms. and Mr.SJ High?Hindi kayo kaagad makakapagpractice.."komento ni Monique.

"Kaya nga,saka may mga galos si Jillian oh..Mahirap na,baka biglang sumakit 'yung mga sugat niyan."dagdag pa ni Hanz,

"Magba-back out na lang kami..Wala namang choice eh."sagot ni Jill bago niya ko sinimangutan.

Napasimangot din naman ako dahil dun..

"Sino namang papalit sa inyo ha?"tanong ni Nikki na nakataas ang kilay."Ayoko ngang sumali,hindi ako magaling sa mga rampa-rampa,'nu?"

"Mas lalo namang hindi kami pwede ni Roxy..Members kami ng Student Council,kaya hindi kami papayagan kasi kami ang magmamanage ng contests."sabi naman ni Jaycee.

"Hindi rin kami pwede..May intermission number pala ang Dance Club.President si Lia,tapos Vice-President ako..Kaya hindi kami makakapagconcentrate sa contest,kung sakali.."sabi naman ni Monique.

Tinignan naman nila ako kaya kumunot ang noo ko..

"I'm not doing it.."sabi ko bago pa nila ako dalihin sa mga pagpapacute nila.

"Besides,bakit ba kayo ang namomroblema d'yan?"taas-kilay kong tanong.

"Edi si Sabrina na lang ang pasalihin n'yo..Tutal kasama naman siya sa mga nabanggit kanina eh."dagdag ko pa..

Napatikhim naman sila Lia at Monique,

"Beshywaps..Member din s'ya ng Dance Club eh,hehe."sabi ni Lia kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

I love you so bad || TaeNnieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon