||T R I S T A N||
Kumunot ang noo ko nang lumabas si Ms.Santos,
Hinigit ko naman ang damit ni Julian,na nakaupo sa harap ko..
"Ayoko ngang sumali sa mga ganun.."inis kong bulong pero nginisihan niya lang ako.
"So,sino'ng gusto mong kapartner ni Snow?"taas-kilay niyang tanong.
"Oh,eh ba't kailangang ako?Bakit hindi na lang ikaw?"inis ko namang sagot.
Inirapan niya naman ako,"Mas may chemistry kayo eh..Saka may shippers na kayo,'diba?Edi may taga-suporta na ka'gad!"
Napabuntong-hininga na lamang ako nang kindatan niya pa 'ko.
"Tss.."rinig kong singhal ni Snow,kaya napasimangot ako.
'Ayaw niya ba 'kong maging partner?'naisip ko bago ko siya sinulyapan.
*toot!*
Tinignan ko ang phone ko para makita kung sinong nagtext..
_______________________
Bagyo⛈😪
Nasolusyonan nyo n b ung sa Ms & Mr SJ High?
-7:21am
_________________________Napabuntong-hininga naman ako sa text ni Storm.
_________________________
Oo..Kmi ni Niyebe ang sasali.😊💚|
_________________________Napaisip ako sa balak kong itext,at tinignan ulit ito..
_________________________
Oo..Kmi ni Ni|
_________________________Dinelete ko ang ibang salita at nagtype ulit..
_________________________
Oo..Kmi na lang daw ni Niyebe. -__- Sila Julian kasi eh.
_______________________✅Tinignan ko ulit si Niyebe para makita kung anong ginagawa niya..
Nakita ko namang natutulog siya kaya natawa ako nang mahina.
"Ash,good luck daw,sabi ni Storm..Hahaha!Susuportahan niya na lang daw kayo ni 'Niyebe'.."Napalingon ako kay Julian nang tawagin niyang 'Niyebe' si Niyebe..
Tinignan ko naman siya nang masama kaya napangisi siya.
"Pare,'wag masyadong pakampante,ha?May girlfriend ka pa din..Mukhang sasabog na nga eh,"Napatingin kami pareho kay Lianna,nang magsalita siya..
"Oo nga naman,Ash.."pagsang-ayon ni Jaycee,"Baka nagseselos na 'yun kasi hindi ka pumayag nung balak ka niyang gawing partner..Tapos ngayon,partner ka na ni Snow."
Tumango-tango naman si Nikki,na katabi ko sa kaliwa.."Kaya nga,baka ma-ospital din si Snow ha!Lagot ka talaga sa'kin,kapag nangyari 'yun."
"Galit naman talaga si Izabella d'yan eh,hahaha!Nung isang araw pa."tumatawang pang-aasar ni Julian bago sila nag-apir ni Shawn,na nakaupo sa kaliwa ni Nikki.
"Kausapin mo kasi,Ash..Baka si Snow na naman ang mapag-initan nun.Mahirap na,baka magaya nga kay Jillian.."sabi naman ni Neil,kaya napabuntong-hininga na lang ako..
"Oo na."pagsuko ko bago ko sinulyapan si Niyebe,na ang himbing-himbing ng tulog habang naka-earphones na naman..
"Sumusulyap-sulyap ka pa sa Babes ko,ha.."Panghuhuli sa'kin ni Lia,kaya napatawa sila Jaycee.
BINABASA MO ANG
I love you so bad || TaeNnie
FanfictionI loved him, he loved me... But I left. And now, I'm back. Pero bakit ganun? Kahit sinabi niyang hihintayin niya 'ko, may iba na? Paano ko na lang masasabi sa kaniya na mahal na mahal ko pa rin siya, kung siya may mahal ng iba? ~~~ STARTED:08/04/18 ...