||T R I S T A N||
"Sige na,Bro,oh.."pamimilit niya pa,
"Cousin naman,please!Hindi kasi kami pwedeng malate sa photoshoot namin eh!"Pamimilit din ni Jill.."Ikaw na maghatid kay Snow sa bahay."
Napabuntong-hininga naman ako,"s-sige na nga.."
"Salamat,Bro!Sige ha,mauna na kami ni Jill."Sabi ni Storm habang nakangiti sa'kin."'Wag kang magbabalak ng kung ano ha?Virgin na virgin pa buong kaluluwa nun,hahaha!"
Tumawa-tawa pa ang mokong kaya kinurot siya ni Jill sa braso,
"Kahit first kiss,wala pa!HAHAHAHA!"dagdag niya pa,kaya napabuntong-hininga na lang si Jill.
"Tara na nga,male-late na tayo!"sabi ni Jill bago siya kumaway sa'kin,at umalis na sila..
Napailing naman ako bago ako naglakad patungong Principal's Office.
*tok tok tok!*
"Come in!"rinig kong sabi ni Principal Tiara,kaya pumasok ako..
"Mr.Quizon?What do you need?"tanong niya,at tumigil muna sa papipirma ng kung ano mang papeles..
Lumingon-lingon naman ako hanggang sa mamataan ko si Niyebe,na nakahiga't natutulog sa sofa.
Napailing na lang ako nang makitang naka-earphones pa siya.
"Oh,ikaw ba ang maghahatid sa kaniya pauwi?"tanong ni Principal Tiara,at tumango naman ako.
"Ahh,sige,gigisingin ko lang.."Aniya pero tumanggi na ako.
"Hindi na,Noona..May ginagawa ka pa ata eh."sabi ko habang nakangiti,
Tumango naman siya sa'kin bago niya pinagpatuloy ang pagsusulat.
Nilapitan ko naman si Niyebe,at tinitigan..
"..Tsk,ang ganda mo na nga noon,mas gumanda ka pa ngayon."bulong ko sabay ngiti,
"Alam mo,namiss kita.."Dagdag ko pa,"Hinintay kita..Hindi ako huminto sa paghihintay,pero nakakapagod din pala."
Napabuntong-hininga na lang ako bago ko siya binuhat bridal-style..
"Oh,Tristan?Ba't 'di mo pa ginising?"Tanong sa'kin ni Tiara noona bago pa 'ko makalabas ng office niya.
"Ang ganda po ng tulog niya eh,baka magalit sa'kin kapag ginising ko.."sagot ko habang nakangiti.
Tinanguan niya naman ako bago siya kumaway,"Sige,mag-fofocus ka sa pagdadrive ha?Mahirap na.."
Ramdam ko ang biglaang pagmula ng mukha ko dahil sa sinabi niya,kaya napatawa siya.
"Oh sige na,mag-iingat kayo.."
Tinanguan ko na lang siya bago ako lumabas ng office niya,at dumiretso sa Parking Lot.
"Tsk,ang gaan mo ah..'Di ka pa rin nagbabago."bulong ko sa buhat-buhat ko bago ako napailing."Parang wala akong hawak-hawak.."
🎶*INSERT PLAYING WITH FIRE BY BLACKPINK*🎶
Agad ko namang kinuha sa bulsa ko ang phone ko,pagkatapos kong ihiga sa back-seat si Niyebe..
"Hello?"tanong ko.
"Oh,Bro!Kamusta?Nahatid mo na ba 'yung kambal ko?"tanong ni Storm,
"Hindi pa,ang sarap ng tulog niya sa Principal's Office eh.."Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
I love you so bad || TaeNnie
FanfictionI loved him, he loved me... But I left. And now, I'm back. Pero bakit ganun? Kahit sinabi niyang hihintayin niya 'ko, may iba na? Paano ko na lang masasabi sa kaniya na mahal na mahal ko pa rin siya, kung siya may mahal ng iba? ~~~ STARTED:08/04/18 ...