"Happy Anniversary, Rain!"
Tumaginting ang apat na baso na itinaas nila para sa toast para sa ika-isang taon niya sa FED. Tiningnan ni Lyka ang tatlong kasama sa silid – ang tatlong pinakamagaganda, matatalino at matatapang na babaeng kakila niya: Si Fire, bagay dito ang pangalan nito dahil ang bawat galaw nito ay parang umuusok sa lakas ng sex appeal. Alam niyang, mag-flip lamang ito ng buhok o maglakad ng signature nitong glide ay may at least isang lalaki ang gagawin lahat ng gusto nito . Si Earth, tulad ng ibig sabihin ng pangalan nito na Earth, ang pinaka-cool sa kanilang lahat. Kung titingnan ito ay tila walang katatakutan o iiyakan. Earth was also the most breathtakingly beautiful of them all with her Egyptian eyes and exotic coloring. Si Wind naman, tulad ng nakasanayan ay tila hindi mapakali – makulit, palatawa, tilang parang may kailangang gawing kabulastugan. Lagi tuloy napapatawag ni Adam. Pinaka-pasaway ito sa kanilang apat.
Hindi niya alam ang tunay na pangalan ng mga kasamang miyembro ng FED bagamat malimit silang magkita sa headquarters na ito. Never silang nagkita sa labas bilang magkaibigan. Bawal iyon para sa kanila. Pero ang apat na mga ito ang pinakamalapit sa bestfriends na maituturing ni Lyka kahit pa ang simula at hangganan ng kanilang mga usapan ay puro trade-talks at palitan ng karanasan sa trabaho. Bawal din silang mag-usap ng personal na mga bagay. Paraaan daw iyon para protektahan ang privacy ng isa't isa.
May nakapagtsismis sa kanya na iyon daw ay dahil sa isang insidente kung saan ang isang dating agent ay nagpahamak sa isa pang agent dahil sa selos. Nadamay pa ang pamilya ng naturing na agent.
Sabay sabay silang umupo sa mahabang sofa at nagsimulang magkuwentuhan ukol sa huling mga misyon nang pumasok sa silid si Adam.
"Hi, girls!" anito. "Happy Anniversary, Rain. And Wind, usap tayo mamaya."
"Thanks, Adam," aniya.
Wind snorted. Alam nilang may ginawa na naman itong hindi nagustuhan ni Adam at dahil si Wind iyon, tiyak na hindi rin ito papatalo. Hindi na sila kasali sa usapan ng dalawa para maiwasan din ang huling insidente kung saan nagkasagutan ang dalawa at gusto na nilang tatlong magtago sa ilalim ng sofa sa tindi ng discomfort sa confrontation na iyon. Si Wind lang kasi ang may ganansiyang makipagtalo kay Adam.
Namigay si Adam ng mga susunod nilang missions. Ang sa kanya ay nasa isang asul na folder. Binuksan niya iyon at matapos paraanan ng mga mata ang nakasulat doon ay may tanong sa mga matang tumingin kay Adam.
Una, walang kahit anong larawan sa folder. Pangalawa, hindi siya pamilyar sa pangalan ng lugar na pupuntahan niya. Hindi niya nga alam na may ganoong klase ng lugar. Pangatlo, mahigit dalawang linggo ang tagal ng project. Ito yata ang pinakamahabang proyekto na na-assign sa kanya dahil laging isina-alang alang ang pagiging single mother niya.
Nagsimulang magpaliwanag si Adam. "Isla Sumilay is a private island owned by the Sumilay family. Inihahanda ito ng Sumilay heiress na si Janine upang maging bagong ultra-exclusive destination para sa mga rich and famous tulad ng Amanpulo or Balesin. Dahil nga ang tinatarget nila na clients ay mga A-lister na celebrities at politicians, gusto nilang siguraduhin na walang magiging problema sa seguridad ang isla. "Your job is to try to circumvent all security features of the island para malaman mo ang mga kahinaan noon. Nasa Amerika si Janine sa ngayon dahil inaayos niya ang promotions para sa pagbubukas ng Isla kaya ang makakatrabaho mo ngayon ay ang Project Manager ng resort at asawa ni Janine."
Tumango siya. Sounds simple enough. Sa nakaraang taon, ang galing niya sa electronics and high-tech stuff ay siyang pinagtuunan ng husto para i-develop hanggang maging isa na siyang ekspertong maituturing sa mga security-related matter. Kung ang mga restaurants ay may mga mystery shoppers na tumitingin sa efficiency ng mga food servers ng mga branches, siya ay mystery robber or terrorists dahil siya ang ipinadadala para siguraduhing effective sa anumang pagtatangka ang isang building o lugar na ginastusan ng malaki para maging secured. Ilang building sa Makati ang nag-ulit ng security set-up dahil nalusutan niya ang original na set-up.
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)
RomanceIsang araw lang matapos ang kanilang kasal, nawala ang asawa ni Lyka dahil sa bagyong nanalanta sa kanilang kinaroroonan. Ang mas masakit pa, hindi na nahanap ang katawan nito. Since then, mag-isa na niyang hinarap ang buhay kahit mahirap iyon. ...