Tatlong buwan matapos niyang makapanganak ay handa na siya para magtrabaho. Isang kumpanya ang naghihintay sa kanya ang agad niyan pinuntahan. Sa unang araw niya sa trabaho, pakiramdam ni Lyka ay literal na nagsisimula siya ng panibagong chapter ng buhay niya.
Ngunit mas malaking pagbabago pa pala kaysa inaasahan niya ang mangyayari. isang araw na magka-aberya sa department niya dahil isang dating empleyado ang naka-hack sa kanilang systems. Dahil pamilyar na pamilyar ang hacker sa systems, alam din nito kung paano i-safeguard ang sarili. Wala sa mga naroong empleyado ang maka-crack ng kinalalagyan nito.
Sigurado si Rain tsamba lang iyon pero siya ang naka-trace sa location ng hacker sa pamamagitan ng isang programang matagal ng dini-develop ng kumpanya ngunit may ilang kakulangan kaya hindi gumagana. Nahanap niya ang kakulangang iyon at naipasok sa programa para sa matagumpay na pagkahuli ng hacker. She practically saved the entire operation of her department.
Ipinatawag siya sa opisina ng mismong presidente sa opisina nito.
"Ms. Anderson, maupo ka," utos nito sa kanya ng middle-aged na executive.
Sumunod siya sa sinabi nito.
"I called you to thank you personally," simula nito.
"I was only doing my job," tugon niya.
"Yes. And you did a very good job – exellent actually and totally unexpected para sa isang baguhan tulad mo. But then, hindi naman tayo dapat magulat, hindi ba?"
Nagtaas ng bahagya ang kanyang kilay dahil tila may mga alam ito ukol sa kanya.
"Noong Grade Six ka, gumawa ka ng isang napaka-simple ngunit epektibong system para ma-access ang mga confidential files mula sa computer ng inyong office principal?"
Hindi niya alam kung paano nito iyon nalaman. Ginawa niya lamang naman iyon para ipagtanggol ang isang kaklaseng pinag-iinitan ng mga teachers samantalang alam naman niyong ito ang pinakamagaling sa buong klase at iyon ang gusto niyang patunayan.
"I- " simula niya upang ipangtanggol ang sarili.
Hindi siya nito pinatapos. "Noong high school ka naman, you ..." Inisa-isa nito ang mga ilan niyang naggawa gamit ang kanyang skills sa computer. Tinapos nito iyon sa pamamagitan ng pagsasabing, "Ms. Anderson, parang hindi mo alam at parang hindi rin nagri-reflect sa mga university grades mo, although matataas ang grades mo, but you are capable of so much more. You are a genius."
May hinala siya na totoo ang sinabi nito. Tila may natural siyang affinity sa mga bagay na electronic o mechanical dahil ilang minuto sa harap ng isang bagong electronic equipment o system ay malalaman niya agad kung paano iyon patakbuhin. Kapag kinalas niya ang isang bagay, malalaman niya na rin ekaskto kung paano iyon ibalik.
Sabi ng tito niya, iyon daw ay tanda ng isa siyang genius pero hindi niya dapat ipagyabang dahil bigay ng Diyos ang talentong iyon at gusto ng Diyos na ang kanyang mga anak ay maging mapagkumbaba. Besides, kahit honor student siya ay hindi siya ang nangunguna dahil sa above average lamang siya sa mga subjects na hindi konektado sa Science at Mathematics.
"We only do routine works and run of the mill stuff. Masasayang lang ang talento mo sa kumpanyang ito."
Tumingin siya sa Presidente. Hindi niya actually alam kung saan patungo ang usapang ito pero ang ibig bang sabihin nito ay mawawalan siya ng trabaho dahil overqualified siya? God knows, she could not afford na mawalan ng trabaho.
Bago pa siya makapag-react ay nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang boss. "I want to introduce you to someone who can develop your talents further and put it to better use," anito. "I want to introduce you to my son, Adam dela Cuesta."
As if on cue, pumasok sa silid ang isang matangkad na lalaki na may magandang tindig. His stance reminded her of Jordan. But a part of her recognized that this man had more power than Jordan. Guwapo ang lalaki pero tila secondary na lang ang pagiging guwapo nito sa lakas ng personalidad at pakiramdam ng kapangyarihan na nanggagaling dito.
"Hi, Lyka," bati ng bagong dating kanya.
May ngiti sa labi nito. Ngiti iyon ng isang taong tila kilalang kilala hanggang kanyang kaloob-looban.
"Good morning," sagot niya.
"Iwan ko na muna kayong dalawa," sabi ng ms matandang dela Cuesta."
"Thanks, dad," tugon nito sa ama. Tila hindi bagay ito na tumawag na daddy kahit kanino. Mas maniniwala pa siya kung ibinaba lang ito ng kidlat sa mundo bilang isang anak ng isang Greek God.
Pagkaalis ng matandang de la Cuesta ay bumaling ito sa kanya. Muli itong ngumiti. "I want to invite you to work for me," sabi ni Adam.
"Work for you?" Ulit ni Lyka.
"Yes."
"As what?"
"As an agent."
Pakiramdam niya bigla ay nasa isang pelikula siya. Matatawa siya kung hindi wala sa anyo ni Adam ang pagiging katawa-tawa.
"I run a very successful operation providing security and logistical support and sometimes, espionage to very high-profile, very powerful or otherwise, very wealthy clients. Huwag kang mag-aalala legal lahat ng operasyong ito. Naka-register ang kumpanyang F.E.D. pero dahil sa nature nito, highly classified ang operations at ang mga the highest ranking military and government officials ang tanging nakakaalam ng tungkol sa atin. We get our clients through a network of referrals. Matagal na kaming naghahanap ng isang computer whiz."
Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa pagiging overwhelmed sa sinasabi ng kaharap.
"Ms. Anderson, please know that I hire only the most intelligent, most skilled and most promising women. Naniniwala akong mataas ang qualifications mo sa lahat ng aspetong nabanggit ko."
"Hindi ko masyadong naiintindihan. Pero mukhang kung ano man ang iniaalok mo, parang delikado ang trabaho. Bakit ko gugustuhing magtrabaho sa ganyang klase ng trabaho?" Ngumiti si Adam. "Dahil ang iaalok ko sa iyo ay sapat na para maibigay mo ang lahat ng pangangailangan ni Dorothy at higit pa. It will allow you to keep the house by the beach na balita ko ay malapit ng maremata ng bangko dahil apat na buwan ka ng hindi nakakabayad ng mortgage. Maititira mo ang anak mo sa mas maayos na tahanan dito sa Maynila, mipapasok mo siya sa pinakamahusay na paaralan. Higit sa lahat, mapapaghandaan mo kung sakaling ang sa ngayon ay non-threatening na heart murmurs na narinig ng iyong pediatrician pero sabi rin niya ay kailangang bantayan dahil maaring maging problema in the future."
Tinitigan niya ito ng matagal. Hindi mali ang hinala niyang alam nito ang lahat sa kaniya. Apparetly, he did know everything about her. At tila alam nitong ang iniaalok nito sa kanya ay hindi niya kayang tanggihan. Dahil ang iniaalok nito ang kinabukasan ni Dorothy.
Hindi niya iyon kailangang pag-isipan ng matagal. HIndi nito kailangang ipaalala ang desperasyon ng kanyang sitwasyon. "Okay," sabi niya.
"Good decision, Rain," sabi ni Adam.
"Rain?"
"Mula ngayon, iyon na ang iyon na ang iyong code name. Pang-apat ka sa FED girls. Makakasama mo si Fire, Earth at Wind. Ang pangalang iyon lamang ang gagamitin mo at kailangang malaman ng lahat ng makakatrabaho mo."
Tumayo si Adam at inilahad sa kanya ang isang kamay. Welcome to FE, Agent Rain."
Tinanggap niya iyon at nakipagkamay sa kanyang bagong boss.
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)
RomanceIsang araw lang matapos ang kanilang kasal, nawala ang asawa ni Lyka dahil sa bagyong nanalanta sa kanilang kinaroroonan. Ang mas masakit pa, hindi na nahanap ang katawan nito. Since then, mag-isa na niyang hinarap ang buhay kahit mahirap iyon. ...