RAIN OF PASSION CHAPTER 11

3.9K 159 1
                                    

Nakahiga si Lyka sa tabi ni Dorothy at pinapatulog ang anak. Hindi niya namalayan ang pagkaidlip na ginambala ng malakas na tunog ng kulog. Naalimungatan tuloy siya at agad na bumalikwas. Malakas ang kabog ng dibdib na tiningnan niya ang anak. Payapa lamang ang pagtulog nito.

Ah, the blessed sleep of an innocent child.

Hinalikan niya sa ulo ang bata bago tumayo. Isinarado niya ang bintana ng silid nito bago lumabas ng silid at pumanaog sa ibaba. Tahimik na tahimik na ang kabahayan. Natutulog na rin sa silid nito si Manang Melda.

Umupo siya sa couch at niyakap ang malaking throw pillow na hinagip mula sa katabing sofa. Tiningan niya ang paligid ng loob ng bahay na iyon. Napakaiksing panahon nilang nagsama roon ni Jordan pero napakaraming alaalang dinadala sa puso niya. 

Tulad nang unang araw na dalhin siya nito roon...

Nakatayo ito sa gitna ng salang ito at nakangiti sa kanya.

"Ito na ang future natin. Right here. Ikaw, ako, ang bahay na ito na pupunuin natin ng mga anak. Ano sa palagay mo, Mrs. Anderson?" Hindi pa official na iyon ang apelyido niya. Sa susunod na buwan pa nakatakda ang kasal nila pero malimit na siyang biruin nito ng ganoon.

Umupo siya sa sofa. "Wait lang. Hindi lang ako makapaniwala kung gaano ako kasaya."

Tumabi sa kanya si Jordan. "Yun ang goal ko... pasayahin ka for the rest of our lives."

Tinitigan niya ang napakagandang mga mata ng kasintahan. May ngiti roon at maraming maraming pagmamahal. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Inilapit niya ang sarili rito para tagpuin ang halik nito.

His lips were soft against her. It played contrast to the roughened hands moved to caress her bare neck and shoulders. 

Pinadausos niya ang sariling kamay sa buhok nito bago pagbuhulin iyon sa likod ng batok nito para lalo pa itong hapitin palapit. Naramdaman niya ang malambot na sofa sa kanyang likuran ng sumandal siya rito. He groaned softly when she gently bit his lower lip. His tongue probed her mouth and his hand moved downwards. Tumatagos ang init niyon sa suot niyang damit.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang narinig nilang bumukas ang front door. Agad silang naghiwalay na parang mga teenagers na nahuling naglalampungan. Alam niyang namumula ang mukha niya at ang mukha ni Jordan ay halatang nagpipigil na matawa sa sitwasyon nila.

"So anong palagay niyo sa bahay na ito?" Gustong malaman ng Real State agent na kasama nilang nagpunta roon.

Hinagip ni Jordan ang kamay niya na nakalagay sa pagitan nila at pinisil iyon ng mariin. "We think it's perfect," sabi nito sa ahente, naglalaro pa rin ang ngiti sa labi na para bang may itinatago itong sekreto.

"Great!" Sabi ng ahente. "Alam mo, malakas ang pakiramdam ko, eh. Bagay talaga kayong dalawa sa bahay na ito," dagdag pa nito. "Diyan muna lang kayo at kukunin ko lang ang Intent to Purchase form na kailangan niyong pirmahan sa kotse."

Nang makaalis ito ay nagkatinginan silang dalawa at saka sabay ring bumunghalit ng tawa. Muli siyang hinalikan ni Jordan sa may puno ng kanyang tainga.

"Soon, my love," pangako nito at alam niyang tinutukoy nito ay ang pagtutuloy sa naunsiyaming mainit na eksena sa sofa na kinauupuan.

Ibinagsak niya ang unan at tumayo mula sa sofa. Naalala niya kung gaano sila kasigurado noon tungkol sa kinabukasan nilang dalawa. Akala nila kapag nagmamahalan ang dalawang tao sapat na iyon. Nakalimutan nilang may mga puwersang hindi nila kayang kontrolin.

ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon