"Puwede bang may magpaliwanag sa aking kung anong nangyayari?" Nakakunot ang noong sabi ni Jordan sa likod ng kotse kung saan siya pinasakay ng magandang babaeng "kumidnap" sa kanya na ngayon ay nakaupo sa unahan katabi ang isa pang maganda ring babae na sinilip lang siya bago muling ibalik ang atensiyon sa manibela.
"In fairness, guwapo niya," sabi nito sa katabi bago patakbuhin ang sasakyan.
"Wind, kaunting bilis pa ng takbo mo, magta-time travel na tayo. Puwede bang pakibagalan, kahit kaunti lang ang takbo natin. Baka naman sa overspeeding pa tayo mahuli ng mga pulis."" sabi ng babae sa passenger seat. Ito ang nagpakilala sa kanya bilang si Earth at ang kumuha sa kanya mula sa klinika ni Dr. Ona.
Tumawa ng malakas ang driver pero hindi sumunod sa suggestion ng katabi. "Anong lagay ni Fire," sa halip ay tanong nito kay Earth.
"Inihatid na niya ang mga ang bagahe," sagot ng tinanong.
Alam ni Dane na tao ang tinutukoy nitong 'bagahe' pero may hinala siyang hindi ng mga ito ipapaliwanag sa kanya ang kahit ano. Kaya nagdesisyong siyang huwag ng magsalita. Sumandal si Jordan. Tumigil lang ang sasakyan nang nasa tapat na sila nang isang bungalow sa isang exclusive subdivision.
Saka lang ulit siya nagtanong. "Anong meron dito?"
"The truth," sagot sa kanya ni Earth. Kinuha siya nito mula sa likuran at kinalag ang tali ng kanyang kamay. "Tatanggalin ko na ito. Wala kaming gagawing masama sa iyo so don't try to run. Kaibigan kami ni Rain at gusto lang naming malaman mo ang totoo."
"Nasaan si Rain?" Tanong ni Jordan.
"You'll know later," sagot ni Wind.
Naglakad sila papasok ng bahay. Nasa unahan niya si Earth at nasa likuran naman niya ang driver na tinawag nitong Wind. He was already realizing na hindi iyon ang mga totoong pangalan nito at tulad ni Rain, ang mga babaeng ito ay ipangalan sa mga elements.
Pumasok sila sa isang sala. Ang una niyang napansin ay ang isang indoor playground para sa isang toddler. May tanong sa mga matang tumingin siya kay Earth.
"Ito ang bahay ng totoo mong pamilya," mahinahong paliwanag nito sa kanya.
"I – I have a child?" Hindi makapaniwala ang tanong niya.
Isinenyas ni Earth ang isang cabinet. Puno iyon ng mga naka-frame na larawan. Humakbang siya papalapit doon. Picture ng isang sanggol at isang ina ang una niyang nakita. It was Rain with a small baby in her arms. Naroon din ang iba't iba pang larawan ng lumalaking bata.
"Nawala ka sa isang aksidente. Akala ni Rain ay namatay ka na kaya napilitan siyang lumipat dito at magtrabaho para mabuhay ang anak niyo." Si Wind ang nagsimulang magpaliwanag sa kanya. "Halika, kailangan mong makita ang buong bahay," sabi nito.
Hindi niya mabitiwan ang larawan ng mag-ina kaya dinala niya iyon. Sinamahan siyang dalawa na ikutin ang buong bahay at ang huli nilang pinuntahan ay ang sa palagay niya ay silid ni Rain.
Sa isang bahagi ng silid ay may malaking larawan. Tumayo siya sa harap ng larawang iyon at tinitigan ang kanyang sarili.
"I hope this makes you realize how much she loves you."
Muli niyang tiningnan ang hawak na larawan ng mag-ina. "Ito ang pamilya ko? I have a beautiful family and I can't remember them." The fog in his brain wouldn't let up. Pero punong puno ng emosyon ang dibdib niya. Nanghihinang naupo siya sa kama. "I wish I could remember. Bakit ba wala akong maalala kahit anong gawin kong pagpipilit? Ano ba talagang totoo?" mahinang sabi niya bago tila batang humagulhol ng iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/156850440-288-k843094.jpg)
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)
RomanceIsang araw lang matapos ang kanilang kasal, nawala ang asawa ni Lyka dahil sa bagyong nanalanta sa kanilang kinaroroonan. Ang mas masakit pa, hindi na nahanap ang katawan nito. Since then, mag-isa na niyang hinarap ang buhay kahit mahirap iyon. ...