"So beautiful," bulong ni Jordan kay Lyka habang nakatitig sa kanya.
Palubog na ang araw noon at nakaalis na ang lahat ng kanilang mga bisita kaya naiwan silang dalawa sa malawak na bakuran ng bahay na iyon na malapit sa dagat. Naitabi na rin ng caterer ang mga lamesa at upuan na kukunin na lang raw ng mga ito sa kinabukasan.
Suot pa rin nila ang kanilang pangkasal at kasalukuyan silang nakaupo sa madamong bahagi ng front lawn. Pina-landscape pa iyon sa pinsan at natatanging kamag-anak sa Pilipinas ni Jordan bago umalis patungong Austalia kung nasaan naninirahan ang lahat ng kapamilya ng napangasawa.
"I love you," sabi ni Lyka.
"I love you, Lyka. I have never and will never love anyone like I love you."
Tinitigan ni Lyka si Jordan mula sa mga matang nakatitig rin sa kanya, sa matangos na aristokratong ilong at mga labing mapula at mamasa-masa pa mula sa huling halik na kanilang pinagsaluhan. She wondered kung kailan siya magsasawang titigan ang asaw. Maybe never.
Asawa...
Yes, eksaktong eight hours and thirty minutes mula nang mangako sila sa isa't isa ng habang buhay na pagsasama.
May pumatak na ulan sa kanyang noo. Ngayon pa lang nagsimula ang ulan na ikinatatakot nila kanina. Nangiti si Lyka dahil nakisama sa kanila ang panahon. Naghintay ang ulan na matapos ang seremonya at ang kanilang reception.
He kissed the droplet on her forehead. Pagka-angat ng mukha nito ay muling pumatak ang isa pang malaking butil na sinundan pa ng isa. She laughed. The happiness in her laughter seemed to fill the place and found an echo in Jordan's eyes.
"Let's go. Pumasok na tayo sa loob, mababasa ka."
"Gusto kong dito lang muna tayo," sabi ni Lyka. Ayaw niyang umalis sa kinaroroonan Gusto niyang i-capture ang sandaling iyon sa kanyang utak.
"Brat!" Biro ni Jordan.
Ipinulupot niya ang dalawang braso sa leeg ng lalaki at lumiyad para halikan ito sa labi. Nag-iba ang tingin sa mga mata nito. Flecks of desire instantly darkened his eyes.
"Of course, when you kiss me like that, I will do anything for you."
"Ganito?" Humagikhik si Lyka bago ulitin ang ginawa.
"At ganito..." He took matters into his own hands.
Nawala ang halakhak sa lalamunan ni Lyka. But she could still taste it from his lips - their mutual happiness. She could taste sweetness. She could taste dreams. She could taste forever.
"I want you," sabi nito. "Now."
"Dito?" Tanong niya.
Ngumiti ito ng isang pilyong ngiti."Why not? We're all alone here."
"But it's raining."
"You love the rain, Lyka."
Totoo iyon. Hindi nga ba sa ulanan sila unang nagkakilala. Dahil naglalakad siya ng walang payong.....
"Miss, sakay ka na? Ihahatid kita," alok ng isang lalaking nagda-drive ng red na SUV.
Sinilip ni Lyka ang lalaki. Noon lang yata siya nakakita sa personal ng lalaking ganoon ang hitsura. Ang mga kaklase niya sa unibersidad na pinapasukan ay mukhang mga totoy na kung ikukumpara rito.
"Miss?" Ulit nito nang hindi siya sumagot. "Ayaw mo bang sumakay?"
"Bakit?" Tanong ni Lyka.
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)
RomansaIsang araw lang matapos ang kanilang kasal, nawala ang asawa ni Lyka dahil sa bagyong nanalanta sa kanilang kinaroroonan. Ang mas masakit pa, hindi na nahanap ang katawan nito. Since then, mag-isa na niyang hinarap ang buhay kahit mahirap iyon. ...