Nanginginig ang buong katawan ni Rain nang pumasok siya sa kanyang silid. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Jordan pero hindi siya lumingon para alamin kung anong gusto nito.
May mga nabuong realizations sa utak niya. Hindi ito nagkukunwari. Totoong hindi siya nito talaga kilala. Kinuha niya ang cellphone na tanging isang numero lang ang na-aacess. Pinindot niya ang quick dial at kahit hatinggabi na, isang ring lang at sumagot na ang kanyang tinawagan.
"Adam," she breathed into the line.
"What's wrong?" Sabi nito. Sa tono pa lang niya marahil ay alam na nitong may masamang nangyayari. Besides, hindi niya halos ginagamit ang linyang ito.
"I'm sorry, Adam. Hindi ko na kaya. Kailangan ko ng umalis dito."
"Bakit? Anong nangyayari?"
"Si Dane, Adam."
"What about Dane?"
"Si Dane ay si Jordan." Natahimik ang nasa kabilang linya. Hindi niya alam kung naintindihan nito ang sinabi niya kung kaya't nagpatuloy siya. "Dane is my husband Jordan. Adam, nandiyan ka pa ba?"
"I'm still here. So he didn't die," anito na kalmado ang boses. Typical Adam.Nakarinig na ng ganitong klaseng balita pero parang hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa boses nito. Sa pagkakaalam niya, nagbabago lang ang tono nito kapag napipikon kay Wind.
"Alam mo namang hindi nahanap ang katawan niya. Someone...maybe, Janine must have found him. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit itinago siya rito."
"Bakit gusto mong umalis diyan? Now, there is more reason for you to stay there. Hindi mo ba gustong malaman ang nangyari?"
Siya naman ang natahimik. Bakit nga ba pagtakas ang una niyang naisip?
"Rain?" Untag ni Adam sa kanya.
"Natatakot ako," amin niya sa totoong dahilan kung bakit gusto niyang umalis.
"Anong ikinatatakot mo?"
"Kanina, nung hindi niya ako kinilala, akala ko nagkukunwari lang siya. I felt hurt and betrayed. Pero ngayong may hinala na akong hindi siya nagkukunwari lang at hindi niya talaga ako kilala, natatakot ako. Paano kung pagkatapos niyang malaman ang totoo ay hindi pa rin ako ang piliin niya."
Hindi si Adam ang tipong magbibigay ng false hopes. "Then at least you know," anito.
"Tama ka," mahinang sambit niya. Umupo siya sa kama, her thoughts running around her head, faster than she could catch up with them. Para na lang tuloy siyang robot sa pagdedesisyong ng kabilagtaran ng una niyang gustong gawin. "I think I am staying. I need to know kung anong nangyari."
"Good," sang-ayon ni Adam na parang iyon naman talaga ang inaasahan nitong maging desisyon niya.
"And besides, may nagsabi sa akin dati, na kung hindi niya ako nakilala, there will be a huge gaping hole in his chest kung saan naroon dapat ang puso niya. Gusto kong malaman kung ako pa rin ang pupuno sa puwang na iyon. Baka kahit hindi ako kilala ng utak niya, baka sakaling makikilala ako ng puso niya."
Hindi na niya sinabi iyon para kay Adam kung hindi para ipaalala iyon sa sarili niya. Pero narinig niya ang pagsang-ayon ni Adam sa desisyon niya. May bigla lang siyang naisip."Paano ang trabaho ko para kay Janine? I am not objective anymore. Hindi ba mako-compromise ang mission ko rito?"
"There is nothing more important than the truth. Buhay mo ito, Rain. Consider it my anniversary gift to you. Ako ang bahala kay Janine kapag nalaman mo ang katotohanan. After all, she also lied to me. Hindi niya sinabing ang pinababantayan niya ay isang taong may amnesia."
![](https://img.wattpad.com/cover/156850440-288-k843094.jpg)
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)
RomansaIsang araw lang matapos ang kanilang kasal, nawala ang asawa ni Lyka dahil sa bagyong nanalanta sa kanilang kinaroroonan. Ang mas masakit pa, hindi na nahanap ang katawan nito. Since then, mag-isa na niyang hinarap ang buhay kahit mahirap iyon. ...