Apat na naggagandahang babae ang nakaupo sa mahabang sofa ng opisina ng FED. Sa posisyon pa lang ng mga ito ay mababasa na ang personalidad ng bawat isa.
Si Lyka ay nakasandal sa malambot na sandalan. A half-smile was playing on her lips. Si Earth ay nakaupo ng diretso. Kalmado ang hitsura nito at tila kasing lamig ng rebulto ng isang Egyption princes. Si Fire ay naka-lean sa arm rest, isang puwesto na nag-e-emphasize ng kurbada ng katawan nito – ever the seductress. At si Wind ay nakaupo naman sa ibabaw ng arm rest sa kabilang dulo. Halatang naiinip na ito sa susunod na mangyayari.
Ganoon ang eksenang pinasukan ni Adam dela Cuesta.
Ngumiti ito kay Rain, tila nahawa sa kasiyahang obvious na obvious sa mukha niya. "How is the honeymoon?" Tanong nito.
Namula ang pisngi ni Rain pero lumapad ang ngiti nito. "Uhm... about that, Adam. Mukhang kailangan kong humingi ng siyam na buwang bakasyon...longer kasi kailangan kong gamitin ang maternity..."
Napatayo si Wind. Nanlaki ang mga mata ni Earth. At napa-diretso ng upo si Fire.
"Yes, I'm pregnant," anunsiyo ni Rain. "Ninang kayong lahat."
Sabay-sabat na nagsalita ang tatlo.
"I'm sorry," biglang sabi ni Adam. "Nakakalimutan niyo na yata na may policy tayo ukol sa personal na relasyon niyong tatlo."
"Bawal ang maging magkakaibigan," sabi ni Fire.
"It's too late for that Adam. We're already friends," sabi naman ni Wind.
Napabuntunghininga na lamang si Adam. He was a reasonable man, after all. Alam niya kung kailan kailangang isuko ang isang bagay. An intelligent man, he also knew how to choose the battles he would win.
"Fine. Sige, Rain, take your leave. At kayong tatlo, alam niyo namang ang mga ninang ang pangalawang magulang ng mga bata.." Halatang may sasabihin pa ito pero pinigilan ang sarili sa nakitang reaksiyon ng apat sa hindi inaasahang sermon niya. Bigla nitong binago ang topic.
"Anyway, back to business." Iniabot nito ang hawak na folders sa tatlong babae. For some reason, wala talagang folder na nakatalaga kay Rain na para bang alam na nito ang sasabihin ng ahenteng nagrirepresenta ng elementong tubig. Wala ring nanghingi ng paliwanag dito. Mas malimit na tinatanggap nila na si Adam ay pumapangalawa sa Diyos sa pag-alam sa lahat ng nangyayari sa mundo.
"Fire," baling nito sa tinawag.
"Yes, Sir," tugon niyon.
"Your assignment is a rare assignment and a very special one..."
Sumandal muli si Rain sa upuan at pinanood ang pagbibigay ng mission sa mga kasamahan. Mami-miss niya ang trabahong ito ng ilang buwan, baka higit isang taaon. Pero masyado siyang masaya para malungkot. Nang umalis såiya ng bahay kanina ay pinapakain ni Jordan si Dorothy. Tinawag nitong daddy si Jordan sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi niya malilimutan ang ekspreyon sa mukha ni Jordan dahil doon. Jordan looked at him with so much joy and love. At iyon ang hindi na siya makahintay balikan.
AUTHOR'S NOTE:
Ang Element Series ay binubuo ng 4 na libro. Ang Fire of Deception, Rain Of Passion, Tempting Earth and Taming Wind. Dalawa na ang na-post ko rito. Please do let me know sa comment section kung gusto niyong ipost ko pa ang dalawang natitirang books ng series.
Salamat and don't forget to vote and share!!
BINABASA MO ANG
ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)
RomanceIsang araw lang matapos ang kanilang kasal, nawala ang asawa ni Lyka dahil sa bagyong nanalanta sa kanilang kinaroroonan. Ang mas masakit pa, hindi na nahanap ang katawan nito. Since then, mag-isa na niyang hinarap ang buhay kahit mahirap iyon. ...