RAIN OF PASSION CHAPTER 8

3.4K 141 9
                                    

"Wind, you're awesome!" Sabi ni Rain sa kasamahan nang makabalik sila sa Maynila nang walang hassle.

Ngumisi lang si Wind. "I know."

"I'm sorry dinamay kita. Dinagdagan ko pa ang kaso mo kay Adam."

Ngumuso ito. "Don't mind him. Pero ikaw, mare, you owe me a story. Anong nangyari sa iyo?"

Nagsimula siyang ikuwento mula nang mag-kahiwalay nila ni Jordan hanggang magkita nila sa Sumilay Island, ang pagdating ni Janine at ang mga confrontations na dala nito. Unang beses niyang nakitang natahimik si Wind pagkatapos niyang magkuwento.

"Wow! Wow. Hindi ko alam kung anong ginawa ko if I were in your shoes. So anong plano mo?"

Nagbuntunghininga si Rain."Honestly, hindi ko alam."

Tumayo si Wind. "Yeah, mahirap ngang mag-isip kung masyado kang emotionally-involved." Naglakad-lakad ito. "Pero the thing is, paano ka naman niya maalala kung hindi ka man lang niya makikita? At kung ang kasama niya ay 'yung bitch from hell na impostora? Wait? Hindi ba kidnapping 'yung ginawa niya?"

Napag-isipan na niya iyon. "Kung nakaya nilang mameke ng kung ano-anong documents, I am sure isang milya ang haba ng lawyers na kaya nilang i-employ to prove na sumama sa kanya willingly si Jordan nung wala pa itong sakit..." Napahinto siya dahil napansin niya ang mukha ng kaharap. "What are you smiling about?"

Lalong ngumisi si Wind. "Alam ko na ang gagawin natin. Pero kailangan nating isali si Earth at si Fire."

Kumunot ang noo niya. "Anong plano mo?"

"The solution is obvious. Ki-kinap-in natin si Jordan."

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Naloloka ka na ba? Adam will never let us get away with this."

"Eh, di hindi niya dapat malaman."


********

May mali sa umagang iyon. Nang magising si Jordan ay lumabas siya ng balkonahe na tumatanaw sa cabana ni Rain. Alam niyang maaga itong magising at kung gising na ito ay maari niya ng kausapin. Pero habang tinititigan niya ang cabana ay may unti-unti siyang nare-realize. Walang tao roon. Dati rati, he can almost perceive her energy inside the room pero ngayon ay wala siyang nararamdaman.

Dali-dali siyang bumaba, hindi niya pinansin ang pagtawag ni Janine sa kanyang likuran.

Nang makaraing siya sa cabana ay napatunayan niyang tama ang kanyang hinala. Binuksan niya ang hindi naka-lock na pintuan. Naamoy pa niya ang iniwang samyo ni Rain, that familiar heady scent of her was in the room pero wala ng laman iyon ni isang gamit ng babae.

Umupo siya sa kama at isinubsob ang kamay sa mukha at iniangat lamang iyon nang may tumakip na anino sa liwanag mula sa pintuan.

"She is gone," sabi niya kay Janine.

"Tingnan mo. I was right. I told you isa lang siyang impostor. Hindi ko alam kung anong gusto niyang makuha sa iyo pero alam siguro niyang hindi siya magtatagumpay kaya umalis na siya. It's good riddance, don't you see, Dane?"

Tumayo siya. Somehow, hindi siya convinced na totoo ang sinasabing dahilan ni Janine sa pag-alis ni Janine. "Gusto kong magpunta sa Maynila ngayon. And then tomorrow, get me an appointment with my doctor."

"Dane, bakit gano'n? Hindi mo ba iniisip na nasasaktan din ako sa lahat ng nangyayaring ito? All these doubts are killing me. Nung umalis ako, okay tayo. We were happy. We had plans. At ngayon ay parang balewala na lahat sa iyon dahil gusto mong tumakbo sa isang wild goose chase ng isang babaeng bigla na lang sumulpot sa buhay nating dalawa."

ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon