RAIN OF PASSION CHAPTER 7

3.2K 144 8
                                    

Umalingawngaw sa tainga ni Dane ang sinabi ni Rain. Kumurap siya at maagap na nahawakan si Janine bago nito masugod ang babaeng kaharap, ang babaeng nagki-claim na siya ang tunay niyang asawa.

"Sino kang luka-luka na ipinadala ni Adam dito?" Sigaw ni Janine.

Mas kalmado si Rain kaysa kay Janine pero nakikita niya sa mukha nito ang effort na magpigil ng emosyon.

"Hindi ako luka-luka," pagtatanggol nito sa sarili bago ito tumingin sa kanya. "Jordan, please try to remember. Hindi ko alam kung paano ka babawiin kung hindi mo ako maalala."

Nalito si Dane. Somewhere in his heart was a response to her pleas. Pero hindi niya sigurado kung awa lang iyon. Sa kawalan ng alaala ay hindi niya alam i-distinguish ang kanyang mga nararamdaman. Paano niya paniniwalaan ang isang estrangherong basta na lang sumulpot sa buhay nila?

Tila nakita ang pag-aalinlangan niya, kumapit sa kanya si Janine. "Look at me, hon. Huwag kang maniwala sa kanya. Isipin mo na lang,bakit ako ang kasama mo ng magising ka kung totoo ang sinasabi niya?"

Nakasandal sa pader si Rain nang tumingin siya rito na para bang nauubos na ang lakas nito. Hawak nito ang dibdib habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Rain, I have been sick a long time," malumanay na paliwanag niya kahit nag-aabot abot na rin sa bilis ang tibok ng puso niya. "Nagkaroon ako ng aksidente at dahil doon ay wala akong maalala. Ang first memory ko ay sa ospital kasama si Janine. Hindi ko rin siya naalala pero ipinakilala siya sa akin bilang asawa ko, siya ang nag-alaga sa akin... Siguro naman maiintindihan mo kung bakit hindi ko alam kung paano paniniwalaan ang sinasabi mo. Hindi ko alam kung ano rin ang pinagdadaanan mo, at kung ano ang mayroon sa iyo at si Jordan... na sabi mo ay kamukha ko. Pero paano kung kamukha ko lang talaga siya at hindi ako si Jordan?"

Nakita niya ang pagguhit ng betrayal na nararamdam sa mukha nito. Pumikit ito ng mariin at nang muli itong magmulat ay tila may iba ng resolusyon sa pag-iisip nito.

"Siguro nga hindi ka si Jordan. Kasi..." lumunok ito para paglabanan ang garalgal ng boses na nagbabadya ng pag-iyak na alam niyang hindi nito gagawin sa harapan nila. "Kasi si Jordan... alam ko na makikilala niya ako kahit- kahit wala na siyang maalalang iba pa." There was sadness ni her smile and in her huge doe eyes. "You see, my Jordan loved only me."

Tumalikod na ito at naglakad palayo sa kanila pagkasabi noon. Sa unang pagkakataon ay natahimik si Janine na sumunod lang ng tingin.

"Rain, sandali lang!" Siya pa ang tumawag sa papaalis na babae kahit hindi naman niya alam kung bakit pa niya ito tinawag.

Lumingon ito. "Hindi Rain ang totoo kong pangalan. At alam mo ba? Si Jordan? He would know my name.

Nang makaalis ang babae ay isinuklay ni Dane ang kamay sa buhok bago harapin ang kinikilalang asawa.

Defensive ang pagkakatayo ni Janine. "Dane, huwag mong sabihing naniniwala ka sa mga sinabi ng babaeng iyon."

"Hindi ko alam ang paniniwalaan ko," sabi niya.

Lumambot ang mukha ni Janine, napalitan ng pagsusumamo ang expression nito. "Kakausapin ko si Adam. Malilinawan nating lahat ang ito. I promise. Aayusin natin ito." Yumakap ito sa kanya pero sa pagkakataong iyon, hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sa yakap na iyon kung hindi desperasyon.

Isang bahagi ni Rain ang gustong maging reasonable. May amnesia si Jordan. Bakit may inaasahan siya rito? Bakit hindi niya daanin sa batas ang lahat? Puwede siyang maghabol. Sigurado siyang mananalo siya.

ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon