RAIN OF PASSION CHAPTER 10

3.4K 158 4
                                    

"Ihahatid ka na namin," sabi ni Fire kay Jordan nang sunduin siya ng mga ito.

"Hindi niyo ako kailangang ihatid. Mahahanap ko iyon" aniya.

Tumaas ang kilay ni Wind. "Baliw ka ba? Wala ka ngang naalala di ba? Hindi mo alam ang daan, gabi na, nagbabadya pa ang ulan. May bagyo pa nga yata. Tapos iniisip mong mag-drive mag-isa. At ini-expect mo pa na bibigyan ka namin ng kotse para sa plano mong pagsi-suicide?"

"Kaya kong gawin itong mag-isa," determinadong sabi ni Jordan.

Kung maari iyon, lalo pang tumaas ang kilay ni Wind. "Aber nga, anong address niyo?"

Tiningnan ni Jordan si Wind dahil hindi niya alam ang sagot sa tanong nito. "Kaya nga kailangan niyo akong bigyan ng direksiyon. I used to know that place. Kailangan ko lang ng map para i-guide ako. Alam kong makakauwi akong mag-isa. Please, let me find my way back home on my own."

Natahimik muna ang lahat. Halatang hindi makabuo ng desisyon. Maya-maya lang ay tumayo si Fire at lumapit sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang susi ng kotse sabay sabi ng modelo ng kotse at plate number.

"Great!" Tumayo rin si Wind. "Now, ako naman ang tatawag kay Rain para sabihin sa kanya na kinidnap natin ang asawa niya, nakumbinse natin ukol sa totoo at ngayon ay hinayaan nating magpakamatay. Cool."

Tumindig si Jordan sa harapan ni Wind. Mas matangkad siya rito kung kaya't kailangan niyang hawakan ang balikat nito para tumingin ito pataas sa kanya.

"Hindi ako nagpapakamatay. Alam ko ang ginagawa ko. I am trying to remember. At kung may pinaka-importanteng bagay akong dapat maalala, iyon ay kung paano hanapin ang daan pauwi kay Lyka. I promise you, I will find her and our child."

Dahan-dahang ngumiti si Wind. "Hindi ka lang pala guwapo. You also got spunk, man. Kung hindi ka lang asawa at mahal ng kaibigan, I might just keep you for myself." Tumawa ito ng malakas bago siya yakapin. "Goodluck, pare."

Tatlong oras pagkalabas ng niya ng Maynila nang nagsimulang pumatak ang ulan. Maliliit na patak iyon na unti-unting lumalakas.

Sa gilid ng kalsada ay may ilang kabataan na nagtatakbuhan para humanap ng masisilungan pero nagtatawanan ang mga ito. May kung anong pumitik sa loob ng utak niya.

Isang eksena ang naalala niya dahil doon...

Papalakas din ang ulan noon nang matanaw niya ang isang babaeng naglalakad sa ulanan. Hindi niya sana ito papansin pero may kung anong nagpahinto sa kanya.

"Miss, sakay ka na? Ihahatid kita," sabi niya rito. Maging siya ay nasorpresa sa alok niya. Hindi niya iyon normal ginagawa, ang magpasakay ng hindi kakilala. Alam niyang delikadong gawin iyon.

Tumingin ang babae sa kanya. Nginitian lamang siya.

"Miss?" Ulit niya dahil hindi ito nagresponde sa alok niya. "Ayaw mo bang sumakay?"

"Bakit?"

"Kasi umuulan at nababasa ka na."

Natawa lamang ito na para bang siya pa ang weird sa tagpong iyon. "Kaya nga ako lumabas para maglakad sa ulanan,' anito

He thought she was crazy. Absolutely beautiful and adorable but crazy. May pagka-weird ang trip nito sa buhay.

Tila naman nahulaan nito ang iniisip niya. "Nakaligo ka na ba sa ulan?" Naging nanghahamon naman ang ngiti nito.

Umiling siya.

"See. Hindi pa pala, eh. Subukan mo kaya para maintindihan mo ako."

ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon