CHAPTER SIX: "Fly fly fly the Ipis flies"

366 5 0
                                    

Migz

          Maaga akong nagising today. Ngayong araw kasing ito pupunta kami nina Drake at Borgy sa Jesus is our Savior Orphanage. Isasama ko si Mika dahil I have a mission and that is for her to get to know me even better today. Medyo hesitant pa ngang sumama sina Drake at Borgy nung sinabi ko na kasama namin ngayong araw si Mika. They are both afraid of her. Sino bang hindi matatakot kay Mikaela? Suki na nga ako sa mga hampas at batok nya. (-___-)

          Nasa tapat kami ng bahay ni Mika and we are waiting for her to come out. Ilang minuto na lang at 10 o’clock na.

“Pare kailangan pa ba namin talagang sumama?” tanong sa akin ni Drake. He was fidgeting.

“Umayos ka nga pare mamaya makita ka ni Mika na ganyan tiyak pagdidiskitahan ka nun.” Saway ko sa kanya.

“Ayoko kasing ma-super spike nun kapag may hindi sya nagustuhang nagawa ko.” Takot na takot na sinabi ni Drake. Napailing na lang ako.

          At exactly 10 am lumabas ng gate nila si Mika. Kinawayan ko sya and then she approaches us.

“Kasama sila?” she asks while pointing at Borgy and Drake pagkalapit nya.

“Oo.” I said with a smile. Tumingin ako kena Drake and Borgy at pareho lang silang nakaiwas ng tingin kay Mika. Mga duwag talaga. Tsk! “Tara na malapit ng dumating yung bus.” I said and then we all went to the bus station.

“Saan ba tayo pupunta?” Mikaela asks while we were inside the bus. Sya yung katabi ko sa upuan.

“You will know when we get there.”

“Talaga bang tahimik yang dalawa mong kasama?” she asks while glancing at Borgy and Drake na nakaupo sa harapan namin. Simula kasi nung dumating si Mika ay hindi na nagsalita ang dalawang damuho.

“Ah…. Pagpasensyahan mo na lang yang dalawang yan. Medyo may kaunting developmental delays kasi sila.” Nilakasan ko yung boses ko para marinig nina Drake at Borgy pero hindi pa rin sila kumibo o lumingon man lang. Mga bahag parin ang buntot.

          After an hour we arrived at the orphanage. Pagkababa namin ng bus agad kaming sinalubong at niyakap nung mga bata.

“Sino ka?” tanong nung isang bata kay Mika. It was Chester, isa sa mga pinaka-bagong bata dito sa orphanage. Three years old pa lang sya. He was rescued by the DSWD sa mga abusive parents nya and then he was brought here in the orphanage.

“Sya si Ate Mika mo Chester.” I said to him. Nakatitig pa rin yung bata kay Mikaela. Hindi ko alam kung galit din si Mika sa mga batang lalaki. Nagulat ako ng biglang yumakap sa kanya si Chester.

“Ikaw na ngayon ang girlfriend ko.” Sinabi nung bata kay Mika. Nagkatinginan kaming tatlo nina Borgy at Drake. Masusuper spike din kaya sya or masasabihan din ng Touch Me again and you’re dead? I watch as Mika kneeled infront of Chester.

“And you’re my Prince Charming.” She said to the kid with a smile.

I can’t take my eyes off her. Iba kasi talaga si Mika when she smiles parang nababawasan yung pagka-halimaw nya.

“Ganda noh?” Drake whispered to me. “Ingat ka pare baka ma-engkanto ka tapos di ka na makabalik sa reality.” He added. Siniko ko lang sya. Hindi tulad ni Mika ang mga tipo kong babae kaya imposibleng magustuhan ko sya. I watch as Chester pulls Mika inside the Orphanage and then we all followed.

“Akala ko ba Man Hater ka?” I ask Mika ng makatulog na lahat ng bata matapos maglaro. Pati si Drake at Borgy ay kapwa mga tulog na rin sa isang sulok nung room. Mukhang nakatulog din ang dalawa dahil sa pagod kakalaro sa mga bata.

She Loves Him. She Loves Him not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon