Mika
I gently open the door and then I went inside. I tiptoed towards a nearby chair and carried it at the side of Miguel’s bed. Tulad ng mga nakaraang araw mahimbing parin ang tulog ni surot.
I stared at his face. May takip pa rin ng gasa ang gilid ng noo nya. Isa kasi ito sa mga sugat na tinahi sa kanya nung mabugbog sya. Three consecutive nights na din akong pumupunta dito sa kanya.
“Tatlong araw na ako dito sa hospital tapos di mo man lang ako dinalaw? Bakit? Busy ka bang makipag-date dun sa Ivan na yun at hindi mo man lang ako madalaw kahit sandali man lang?”
Napangiti na lang ako ng maalala ko yung dialogue nya sa akin kanina. Sobrang nainis talaga ako kanina when I found out na tumakas sya sa ospital. What if something happened habang nasa daan sya kanina?
May death wish ba talaga itong taong ito?
Suddenly dahan dahang bumukas yung pinto ng kwarto ni Miguel atpumasok yung nurse. She smiled at me ng makita nya ako.
“Wala ka bang balak ipaalam sa kanya na araw araw nyo naman talaga syang dinadalaw?” she asks me. Sya yung nurse na sinabihan ko kanina na igapos si Miguel sa kama. Pumunta sya sa may side table at inilapag doon ang mga gamot ni Miguel tapos inayos yung flow ng IV.
“Alam nyo bang sobrang nagtatampo yang tao na yan sa inyo kanina? Hindi nya kasi alam na dinadalaw nyo naman talaga sya.” The nurse said with a smile.
Nagtatampo si surot? Sus! Dahil lang dun? (-____-)
“Hayaan nyo na lang po sya.” I said to the nurse.
“Talagang tumakas pa sa hospital yang boyfriend nyo para lang makita kayo. Siguro miss na miss na nya kayo.” Sabi nung nurse and then she giggled na parang kinikilig pa.
Boyfriend? Sino? Itong si surot? Eeeewwww!
“Hindi ko po sya boyfriend.”
“Talaga? Sorry ha akala ko kasi boyfriend mo sya. Pero alam mo bagay kayong dalawa.”
Haist sya na yata yung pangalawang taong nagsabi sa akin nyan. Yung una si Large Nose ang nagsabi nung nandun kami sa abandoned school.
“Never kong magugustuhan yang surot na yan.” I said to the Nurse pero mukhang hindi sya convinced sa sinabi ko.
“Bukas pala for discharge na sya.” Sinabi nung Nurse and then she went out of the room.
Lalabas na ang surot? Magiging magulo na naman ang buhay ko. (~__~)
“Uuwi na ako surot.” I whispered. Suddenly he muttered something incoherently.
Nananaginip pa yata itong si Miguel. Inilapit ko yung tenga ko sa bibig nya para malaman kung ano yung sinasabi nya.
“Mika.” Miguel murmured.
(O___O) Ako ba napapaniginipan ng surot na ito! No way!
“Mika…I….I” he started saying once again. Biglang lumukso yung puso ko.
“I….hate you. Halimaw ka sa banga.” Miguel said. Tumayo na ako ng tuwid.
Halimaw sa banga? Ako? (-____-! )
“I hate you more!” inis kong sinabi and then I went out of his room.
Kinabukasan at Lunch Break…
“Ano ka ba? Kung kumain ka na naman parang wala ng bukas!” I exclaimed while watching Miguel eat his food.
“Alam mo ba kung gaano ka walang kwenta ang pagkain sa hospital?” he said to me with his mouth still full.
BINABASA MO ANG
She Loves Him. She Loves Him not.
RomanceWho wants to play in the love's game of tug of war? I, Mikaela Alonzo, hate a lot of things. Mula sa pickles na nakasuksok sa loob ng favorite Whopper Burger ko, raisins na nakahalo sa embutido, okra sa pinakbet, Earthworms na gumagapang sa lupa, Sp...