Mika
Pinagmamasdan ko ang pagpatak ng malakas na ulan sa labas ng bintana ng room namin. Nakakatamad talagang pumasok kapag ganito ang panahon. Mas masarap pa ang manuod ng T.V sa bahay habang nakahiga sa may sofa namin at kumakain ng popcorn na cheese flavor. Kanina pa ako hindi nakikinig sa lecture namin. Napabuntong hininga na lang ako sa kabagutan.
“Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Miguel nung school trip ha Mika? Bakit mukhang nag-iiwasan yata kayong dalawa lately.” Bulong sa akin ni Kristine.
“Malay ko sa kanya and I don’t care.” Nakanguso kong sinabi.
Hindi ko alam kung bakit biglang hindi nagpapakita sa akin si Miguel after the school trip. Nainis ba sya dahil sa binuhusan ko sya ng tubig? I really have no idea. (-___-)
I almost died during that trip. Buti na lang at nasagip ako ni Adrian. I really thought my life was over. Before I went down the water I inhaled all the air that I can get habang nasa taas pa ng tubig yung ulo ko. If there is one useful skill that I was able to use that day that was my ability to stay in the water for a much longer time. I was already almost out of air when Adrian saw me.
“Haay sayang naman kasi mukhang nagiging close na kayong dalawa eh.” Kristine whispered to me once again.
“Nothing changes Kristine. I still hate him.”
“Gusto mo?” Kristine asks. Napatingin lang ako dun sa Pretz na hawak nya. Of all the food in the world bakit yun pa ang inaalok nya sa akin ngayon? (-___-! )
“Ayoko.” I said and then I look at our Professor who was busily explaining something to the class.
“Napasalamatan mo na ba si Adrian? You owe him bigtime dahil he saved your life.”
Inumpog ko yung ulo ko sa desk ko ng tatlong beses and then tumingin ulit ako kay Kristine.
“Okay ka lang?” she asks me with a confused face. Hindi ko kasi talaga matanggap na may pinagkakautangan ako ngayon ng buhay at sa isang lalaki pa! w((°Д°))w
“Bakit kasi hindi ka marunong lumangoy!” I exclaimed to her. Medyo napalakas yata yung boses ko dahil nagtinginan sa aming dalawa ni Kristine yung mga classmates namin atska si Prof.
“You two back there. Stop talking!” bulyaw nung professor sa aming dalawa. Tumahimik na kami ni Kristine after nun.
During Lunch Break…
Wala si Miguel sa labas ng room namin during lunch break. Ilang araw na syang hindi sumasabay kumain sa akin.
“Uyyy may hinahanap.” Kristine teases me paglabas namin ng room. “Aminin mo na kasing na miss mo na sya.”
“Sino? Yung surot?”
“Bakit may iba pa bang naghihintay sayo dito sa labas ng room kapag breaktime? Diba si Migz lang?”
“I don’t miss him.” Inis kong sinabi kay Kristine. Why would I miss him anyway? Mabuti nga na wala sya dahil finally my life is at peace once again and I am winning the deal.
“Wehhhh.”
“Tumigil ka na nga dyan at kumain na tayo. Natutuyuan ka na yata ng utak dahil sa gutom.” I said and then I pulled Kristine towards the canteen.
At the Canteen…
After namin maka-order ng food ni Kristine lumapit sa akin bigla yung dalawang sidekick ni Miguel habang pabalik kami ng table namin.
“Ahhh Mika pinapasabi pala ni Migz hindi din daw ulit sya makakasabay ngayon mag-lunch.” Mahinang sinabi ni sidekick number one. Ilang araw na silang lumalapit sa akin every lunch break para sabihin na hindi makakasabay si Miguel na kumain.
BINABASA MO ANG
She Loves Him. She Loves Him not.
RomanceWho wants to play in the love's game of tug of war? I, Mikaela Alonzo, hate a lot of things. Mula sa pickles na nakasuksok sa loob ng favorite Whopper Burger ko, raisins na nakahalo sa embutido, okra sa pinakbet, Earthworms na gumagapang sa lupa, Sp...