Migz
“Si-sino kayo?”
“Drake bakit hindi tayo kilala ni Migz? Hindi kaya?”
“Shut up Borgy!”
“Pero pare diba posibleng mangyari yun dahil natamaan sya sa ulo? Hindi mo ba talaga kami nakikilala Migz? Ako ito si Borgy at sya naman si Drake.”
“Sorry pero wala akong maalala.”
“Sabi ko na sayo Drake eh! Amnesia ang tawag dyan! Shit! Mabuti pa tatawag na ako ng nurse.”
I started laughing at loud ng makita ko si Borgy na nagkakandarapa patakbo ng pintuan. He looks at me with a confused face.
“Sira! Pinagtitripan ko lang kayo.” I said while laughing.
“Migz naman eh! Alam mo bang sobrang pinakaba mo ako dun?” Borgy said to me habang naglalakad pabalik sa akin.
“Pare naman bakit hindi mo man lang sinabi sa amin yung tungkol dun sa mga estudyante ng Evergreen?” tanong naman sa akin ni Drake. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin.
“If hindi ko susundin yung utos nila baka mapahamak si Mikaela.” I replied.
Speaking of Mikaela. Nasaan kaya sya?
“Mabuti na lang dumating dito sa hospital yung mommy ni Mika at sya ang nag-ayos ng admission mo dito. Wala kaya si Mikaela sa sarili kahapon. Alam mo bang naghi-hysterical sya pagdating ko dun sa abandoned school at hindi ko mapigil sa pag-iyak?” sinabi ni Drake.
I passed out yesterday at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Apparently natawagan pala ni Mikaela si Drake at humingi ng tulong.
“Nainform na din namin yung parents mo at tatawag daw sila sayo mamaya.” Sinabi ni Borgy.
“Si Mikaela? Nasaan nga pala sya? Is she okay?”
“Kagabi ko pa sya huling nakita. Isinama na sya ng Mommy nya pag-uwi after ma-check up nung mga doctor. Mukhang okay naman sya.” Drake answered.
I’m glad she is fine.
“Ano na nga pala ang balak natin sa Evergreen?” tanong sa akin ni Borgy.
“Let’s pay them a visit kapag magaling na ako.” May utang na kailangang bayaran sa akin si Large Nose lalo na at idinamay nya si Mikaela sa gulong ito.
“Pare sige mauna na muna kami ha. Malapit na magsara yung gates eh.” Drake said and then they already went out.
Later that day…
“Mom okay na talaga ako you don’t need to come home.” I said to my mom over the phone.
“Ano naman ba kasing gulo itong pinasok mo Migoy ha?” My mom exclaimed. “Babae na naman ba ang dahilan nyan?”
“Wala kang magagawa at makarisma talaga yang anak mong si Miguel.” I heard my dad said and then he laughed.
“Tumigil ka nga! Kaya naman hindi na matuto-tuto yang anak mo dahil kinukunsiti mo ang mga kalokohan!” my mom shouted.
Hay aso’t pusa parin silang dalawa. Tsk.
“Sigurado ka ba na ayaw mo kaming umuwi dyan Migoy? Madali lang naman i-cancel ang business trip namin ng Dada mo.”
“Okay na talaga ako Ma.”
“Sige. Paki-salamatan na lang sa amin si Mrs. Alonzo pag-nagkita ulit kayo ha.” My mom said and then we hung up.
BINABASA MO ANG
She Loves Him. She Loves Him not.
RomanceWho wants to play in the love's game of tug of war? I, Mikaela Alonzo, hate a lot of things. Mula sa pickles na nakasuksok sa loob ng favorite Whopper Burger ko, raisins na nakahalo sa embutido, okra sa pinakbet, Earthworms na gumagapang sa lupa, Sp...