CHAPTER THIRTEEN: "Mango Tree and Band-aids"

318 5 0
                                    

Mika

          Tahimik lang kaming dalawa ni Miguel habang tinatahak namin yung daan pauwi ng bahay ko. After the dance parang bigla na lang natahimik si Miguel so hindi na din ako nagsalita.

          Dancing with him feels weird. Dapat hindi na lang kasi kami pinagsayaw ng lola nya. Hindi ko naman matanggihan yung lola nya because she is a very sweet woman. She reminds me so much of my Lola Mamita.

Ang kantang yan ay dapat isinasayaw ng dalawang taong nagmamahalan. Naalala ko bigla yung sinabi ng lola nya kanina. Susme! Kung sayaw yun ng dalawang nagmamahalang tao dapat hindi kami ni Miguel ang pinagsayaw ng lola nya dahil wala sa vocabulary ko ang mahalin ang lalaking ito! NEVER!!!!

“Wala ka bang balak itapon yang dala-dala mo?” Miguel disrupted my thoughts. Lumingon ako sa kanya and he was looking at the canvas I was holding.

“Wala.” I said to him.

“Ano bang balak mo dyan sa mukha ko? Don’t tell me ipapa-frame mo tapos isasabit mo sa kwarto mo para pagpantasyahan mo bago ka matulog?” he said to me with a huge grin on his face.

Anong bang pinagsasabi nyang pagpapantasyahan? Kadiri talaga sya.

“Ilalagay ko sa kusina namin para matakot yung nga daga.” I said to him.

“Sa sobrang panget nyang drawing mo malamang matatakot talaga silang lahat.” He said then he laugh. Inihampas ko sa ulo nya yung hawak ko na canvas.

“Aray!” he shouted. Hayy music to my ears! (^___^)

“Natural panget ito dahil hindi ka naman gwapo.” Inis kong sinabi sa kanya. Huminto sya bigla sa pagkampay at tumingin sa akin.

“I completely disagree with you. I know how charming I am. Marami ng napaibig na mga babae ang mukha kong ito.” He said to me. Ang yabang talaga! Eh di inamin din nyang playboy sya! Tange talaga!

“Alam mo Quintanilla yang mukha mo abot na hanggang buwan dahil sa kakapalan kaya pwede ba lihain mo na yan ng numipis naman!”

“Pfft!” usal ni Miguel and then umiwas na sya ng tingin sa akin.

          Nagsimula na ulit kumampay si Miguel. Nainis malamang sa akin. Sus ko! Napaka-yabang naman kasi nya! Nag-uumapaw ng confidence sa sarili!

          Pagliko namin sa isang corner may isang kotse na gumitgit sa amin. Nawalan ng control sa bisikleta si Miguel and then napadaan kami sa isang malalim na lubak.

“F**k!” I heard Miguel exclaimed tapos naramdam ko na lang na bumagsak na ako sa kalsada.

          Dahan dahan akong umupo at tinignan ko kung mapaplakahan ko pa yung kotse na gumitgit sa amin pero masyado ng malayo ito. Haist! Asar! Napaka-dami talagang reckless driver dito sa Pilipinas!

“Mika!” I heard Miguel shouting. Napalingon ako sa kanya and I saw him running towards me. Lumuhod sya sa harapan ko tapos nagmamadaling tinanggal yung helmet ko and then he check if I have any injuries.

“Quintanilla.” I called him but he seems to be pre-occupied in looking if I sustainted any injuries.

“Hoy Quintanilla!” I said pero hindi pa rin nya ako naririnig. He was busily looking at the bruises in my arms.

“Miguel!” I shouted and with that napatingin na sya sa akin. “I’m fine okay? Pwede ba bitiwan mo na yung braso ko!” I exclaimed. Napaupo sya sa harapan ko and then he sighed.

“Badtrip yung kotseng yun ha!” he exclaimed.

Nilingon ko yung bike nya na nakataob dun sa isang sulok ng kalsada. We were lucky dahil hindi kami nabangga nung kotse. I stand up and then pinagpag ko yung uniform ko.

She Loves Him. She Loves Him not.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon