Ch.07 - HOT Issue
Dizzy...
I feel so dizzy...
Ouch! My head!
I opened my eyes...
(__ __) zzZZ (-___-)
(=___=) (o___=) Blink! Blink!
(o___o) (O___O) WTH?!
Where the heck am I?!
Black... White...
Parang familiar?
Parang kahawig ng kwarto nung masungit na lalaking gangster!
Tinignan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Okay! Kumpleto pa ang mga damit ko... Ano ba ang nangyari kagabi?
Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. May naamoy akong mabango kaya naman sinundan ko. Napunta ako sa kusina at nakita ang isang lalaking nakatalikod at may suot na strawberry apron. Mukhang may niluluto siya.
"Um... Excuse me..."
Tumigil siya sa pag-luluto at unti-unti, sobrang bagal, na tumingin siya sa akin.
O__O"
Whooosshhh~~
Bigla siyang tumakbo palabas ng kusina. What the...? Sobrang bilis niyang nakatakbo palabas. Si... TOP ba 'yun o namalikmata lang ako?
Tumalikod ako para sundan ang lalaki pero tumama ang ulo ko sa isang pader. Aray naman!!
"Fck! For someone so stupid your head is hella big and hard!!"
I know that voice! Hehe! Hindi pala pader. ^__^"
"TOP...? Ahh... ano'ng nangyari kagabi? Anong ginagawa ko dito? May ginawa ka sakin kagabi no?! Bakit wala akong maalala?!!!"