XOXO
ALESANA MARIE
***A few minutes later
"Miracle"
Tumingin ako sa kanya.
Nasa park kami at nakaupo sa bench sa ilalim ng malaking puno.
"Bakit?"
"Ang sakit.."
"Huh?! Saan?!"
"Dito oh.." sabay turo sa may labi nya
"Niloloko mo ba ako? Wala naman pasa eh" -____-
"Meron. Tinamaan ako kanina dyan.." pilit nya
Tinitigan ko sya. -____-a Ano ba kailangan nya?
"Wala naman eh."
"Ang dami kong pasa. Binugbog nila ako."
-____-
Ano ba ang pinagsasabi nito? Eh wala ngang lukot yang damit mo nung makipaglaban ka eh.
"Ano ba talaga ang kailangan mo?"
"Gamot" ^^
"Huh?"
"Para mawala yung sakit, kailangan ko ng gamot"
=_____= Inuutusan nya ba ako? Nagpaparinig?
"Tinatamad ako maglakad, bili ka nalang dyan sa tapat.."
"Tss. Slowpoke" bulong nya habang sa ibang direksyon nakatingin
Di ko sya pinansin.
Ang sarap magpahangin dito.
Pinikit ko yung mata ko at sumandal.
Ang tahimik. Ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam.
*smooch*
Hinalikan ako ni Timothy sa pisngi.
"Para san yun?"
"Yung gamot ko"
"Anong gamot?" o__0?
"Yung. Gamot. Ko. Wifey." -____-++
Ayan na! Magkasalubong na kilay nya. >___<;
"Ano ngang gamot?"
"Shit! Hwag na nga!" sabay tayo at lakad ng mabilis
Wah! Ano ba problema nya?!
"Hubby!! Teka!!" tawag ko
Sinundan ko sya.
Habang naglalakad, tahimik lang sya.
Nasa likod nya ako.
Ang moody talaga nito.
Ano na naman ba ang kasalanan ko?
Ang dark na naman ng aura nya kaya naman yung mga nakakasalubong namin naiwas sa daan namin.
>___<;
Ano ba kasi yun?!
Bakit di nalang nya sabihin?!
Naman oh!
***COMMERCIAL BREAK
=_____=
"Ang engot talaga ni Sam" - me
"Oy Ales, sino kausap mo?" Vin
"Wala. Nababaliw ako. Hwag mo akong pansinin"
"Si Red ba nasan?" Pip