XOXO
Alesana Marie
***Red's POV
"Dude, ano ba talaga ang nangyari?" Vin
"Ang tagal mong hindi nagpakita tapos malalaman nalang namin na engaged ka na?" Sun
"Sa lahat ng babae, bakit si Samantha pa?" Kyo
"Tsk! Tsk!" Jack
Inubos ko ang laman ng baso ko.
"Dude.. Si TOP?" Dos
"Siguradong galit na galit yon" Seven
"Alam naman nating lahat kung paano pahalagahan ng gagong yun si Samantha. Malamang baka makapatay na yun ngayon" Pip
"Tingnan nyo nalang ang mukha ni Red" Mond
TAKTE..
Nagsalin ulit ako ng alak sa baso ko.
PAKSHET YAN.
Ininom ko yon ng diretso.
Hindi ko makalimutan ang mukha ni Samantha kagabi.
Parang... Para syang namatay...
Kung hindi lang sana sya nagmahal ng iba..
Kung hindi lang sana nya minahal ang kaibigan ko..
Alam ko naman simula palang na ipakakasal ako ng mga magulang ko sa iba..
Isa iyong tradisyon sa pamilya namin..
Kaya naman simula palang noon, kinalimutan ko nang magmahal..
Dahil hindi rin naman ako makakasiguro kung kami ng taong mahal ko ang magkakatuluyan..
Iyon ay kung nagmahal ako..
Hindi ko parin alam ang ibig sabihin ng salitang yon..
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal.
Nangako ako noon na kung sino ang ibigay sakin ng mga magulang ko...
Gagawin ko ang lahat para mapag-aralan kong mahalin sya..
Para kahit papaano maging masaya ang mapapangasawa ko..
Si Samantha.