chap. 4

300 0 0
                                    

Ch.04 - Teenage Drama Queen

Stupid assh*le!

Stupid bast*rd!

Stupid son of a gun!

Stupid prick!

Stupid shithead!

Stupid pretty boy!

Stupid sexy grey-eyed monster!

"So I heard girlfriend ka na pala ng isang sikat na delinquent na nag-aaral sa Pendleton High also known as the school for gangsters. Hahaha! I always knew you had it in you, Sam. Mahilig ka talaga sa mga asal kriminal, oo nga pala kasi magkaparehas kayo. Match made in Hell indeed," sabi ng pamilyar na boses ng isang babae at nasundan ng tawa ng mga kasama nya.

Nakita ko si Audrey kasama ang kanyang mga followers sa harapan ko. Si Audrey ang masasabi nyong mahigpit kong karibal sa lahat ng bagay. Lahat ng bagay pinagkokompetensyahan namin. Sa academics, sports, beauty, popularity, number of admirers pati na rin sa business ng family namin. Pero hindi niya ako matalo-talo at hindi niya iyon matanggap. =___=

May isang bagay pa nga pala akong hindi naiipaliwanag sa inyo. Dito sa St. Celestine High, ako ang top student. Masasabi nyo na isa akong huwaran na estudyante. Sa school na ito, kilala ako bilang isang mahinhin at hindi makabasag pinggan na babae. Mahalaga kasi para sa school na ito na maturuan kami ng kagandahan asal dahil lugar ito para sa mga anak mayaman. Lahat ng bagay ay itinuturo dito. Mula flower arranging hanggang horseback riding. Mula ballet hanggang theatre arts. Tea ceremony hanggang fencing.

Lahat iyon ay natapos ko nang may matataas na grades. Yan si Miracle Samantha Perez sa mata ng karamihan. Pero ang totoong Samantha na ako at ang 'Crazy Trios' lang ang nakakaalam ay isang; bayolente, abnormal, crybaby at maingay na babae which is true!

Meron akong dalawang mukha, isang anghel sa labas pero isang evil monster sa loob. I live to impress not to express. At pilit na pinalalabas ni Audrey ang tunay na ugali ko dahil alam niya na masisira ang reputation ko kapag nalaman nila na nagpapanggap lang ako. Madalas ay iniinis niya ako para lang mapatunayan na tama sya. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na nagpapanggap lang ako. Kakaiba ang babaeng yan, ang lakas makaramdam!

"Uhhmm... Excuse me? Are you talking to me Audrey?" I asked while lifting my eyes from my book.

Sa labas ay libro iyon ni Charles Dickens na may pamagat na Great Expectations pero sa loob ay isang comic book. Culture Crash ang binabasa ko. Haha! Ang ganda kasi ng Pasig, fan ako ni Dante! Whoo~~ ang HOT ni Dante! Gosh! Naudlot pa ang pagbabasa ko! Asar naman itong Geek na 'to oh! Geek sya kasi may suot syang salamin. NYAHAHAHA!! ^0^

"Malapit ka nang bumaba sa pwesto mo Sam," sabi ni four eyes aka Audrey.

"I don't know what you're talking about Audrey. Bakit ba palagi mong iniisip na karibal mo ako? At ang isa pa, hindi ko iniisip na mas mataas ako sa kahit na sinuman sa inyo," I said with my most innocent eyes and angelic voice. Hinding hindi mangyayari yan no! Itaga mo sa diamonds! Kung sino man sa atin ang bababa ikaw iyon, GEEKY!

"Tumigil ka nga sa pag-drama mo na mabait! Nasusuka ako sa pagmumukha mo! Nakakadiri!"

By this time marami na ang nanunuod sa eksena namin ni Audrey. Nasa cafeteria kasi kami ngayon kaya marami ang nakakapanuod. Nasaan ba ang 'Crazy Trios' kapag kailangan mo?

Nakakainis talaga tong si Audrey! Bakit ba nya ako iniistorbo?! Minsan na nga lang makapag-basa ng comics! NAMAN EH! >0<

Nag-teary eyes ako, nag-pouty lips na may trembling effect pa at kaunting sniff.

"Ang sakit mo *sniff* naman mag-salita Audrey. Alam ko naman na hindi ako *sniff* maganda pero kailangan mo ba talaga akong awayin? *sniff* Ano ba ang nagawa ko sa'yo?" nagtakip na ako ng mukha para sa dramatic effect. Pero ang totoo nyan nagpipigil lang ako ng tawa. Hahahaha!

Talk back and you're dead chap. 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon