XOXO
Alesana Marie
"Langya ka Red, ang sakit ng ulo ko"
"Kasalanan mo yan.. Bakit ka kasi uminom?"
"Bakit di mo ako pinigilan?"
"Inaagaw ko sayo yung bote pero nag-wawala ka.."
"Eeesh! Excuses! Excuses!"
Nandito kami sa bahay namin at kasalukuyang nag-aalmusal.
Dito pinatulog ni Mama si Red nang ihatid nya ako kagabi.
May sasabihin daw si Mama sa amin ni Red.
"Hi Ma! Good morning!"
"Good morning po Tita"
"Good morning din sa inyo" umupo na si Mama at pinagsalin sya ng coffee ng maid namin
Si Papa kasama ni kuya at inaasikaso nila ang business namin.
"After Christmas may pupuntahan tayo, kasama ka Jared hijo"
"Nasabi na po sa akin ang tungkol sa bagay na yan kahapon" Red
"Good. Si Samantha nalang pala ang hindi pa naka-ready."
"Bakit po Mama? Saan tayo pupunta after Christmas?"
"Sa France"
"Kung ganon Mama sa France po tayo mag-cecelebrate ng New Year?"
"Hija.. your father and I decided that you two should live there too..with us."
"I dont...I dont understand Mama"
"Pupunta tayo sa France at titira tayo don...for good."
"For... Good?"
"Yes hija. Arent you excited? Matagal mo na kaming kinukulit para tumira sa France kasama kami diba?"
"W-What about school?"
"Naka-enroll ka na sa isang sikat ng school sa France, kasama na rin si Jared" nakangiting paliwanag ni Mama
"Pero Ma--"
*ring.ring*
"Excuse me.. I have to take this call.. Well talk about this later.. Jared ikaw na muna ang bahala sa baby ko.." tumayo si Mama at umalis