Ch.10 - Sweet Oh Sweet
Nag-ring na ang bell para sa susunod na klase namin. Sigh. Inaayos ko ang laman ng bag ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko.
"Hello?"
[It's me...]
"Uhh... who?"
[It's me...]
"Who's me?"
[*Dude, sabihin mo na kasi ang pangalan mo!* SHUT UP!!] may nagsabi sa background at sumigaw si TOP. TOP?!?!?!
[Ah shit! Hey retard it's me...] may biglang nagtawanan sa kabilang linya at ilang lagabag at pagkatapos ay 'ouch!'
"TOP?"
[Yeah, hey! Wait for me at the back gate of your ugly school...] he hung up just like that.
What am I getting myself into?
"Uy, sino 'yun?" nakangiting tanong ni Michie na biglang lumitaw sa tabi ko.
"Wala..."
"Hmm...?" 0.0?
"Wala nga..." -_____-
"Hmm? Hmm? Hmm?"
"Wala nga sabi!" -_____-++
Bigla siyang tumakbo papunta sa seat niya at pumasok na ang instructor. Nag-check siya ng attendance at nagbigay ng reviewer para sa exam. Sigh... Examination na pala namin next week! Mag-pupuyat na naman ako ng todo nito! TT___TT
***Back Gate
"Bakit ba madalas dito tayo sa back gate dumadaan?" tanong ni China.
"Nag-simula ang lahat ng ito nang magkaroon ng HOT boyfriend itong friend natin..." - Maggie
"Hindi ko sya boyfriend!!"
"Fine, hindi na kung hindi. But still, bakit kayo sa back gate nagkikita?" - China
"Pwede ba manahimik nalang kayo d'yan?!" -____- asar
"Uy, may mga lalaki na naman sa back gate oh!" sigaw ni Michie
"Michie, hwag ka ngang maingay. Baka may makakita sa'tin dito," bulong ko.
"Bakit ka ba natatakot na may makakita sa inyo?" - Maggie
"Eh kasi di'ba ayaw niyang masira ang 'reputation' nya dito sa school?" sagot ni China
Nag-roll ng mata si Maggie. Psh! Hindi kasi nila ako maintindihan kaya nila sinasabi 'yan.
"F*ck! Can't you run?! What are you? A turtle?" sabi ni TOP na may sigarilyo na naman sa bibig.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Aba, may mga kasama ka pala!" ^o^ masayang sabi ni Red. Adik talaga sa babae 'tong isang 'to.
"Hello!" ^____^ sabay sabay na bati ng 'Crazy Trios'. Michie, may boyfriend ka na! Pero bakit kung tingnan mo si Red parang na-love at first sight ka?
"You! I know you!" turo ni Top kay Michie. "You're that crazy girl who screamed at me at the mall"
Namilog naman ang mata ni Michie at awkward na ngumiti kay Top.
"Hey Sam, mukhang dudugo ang ilong namin dito ah. Mas mabuti pa siguro umalis nalang kami," bulong ni China.
Hinawakan ko sya nang mahigpit. Hindi kayo pwedeng umalis dahil maiiwan akong kasama ang dalawang 'to! Oo nga at ayos na kami ni TOP pero ang awkward naman kung dalawang lalaki ang kasama ko tapos mag-isa lang ako. Basta hindi kayo pwedeng umalis.