Ch.08 - Good Girl Gone Bad
***Unknown Location
What the...? Ugh... Ano'ng nangyari? Binuksan ko ang mga mata ko at nakita na nasa isang madilim akong lugar. WHAT THE AMPALAYA?!!
Sinubukan kong balikan ang mga pangyayari...
Naglalakad ako patungo sa back gate dahil nakaabang sa front gate ang mga kaklase ko. Inaabangan yata nila si TOP. Desperate pack of hyenas. -__-" Iniwan naman ako ng 'Crazy Trios' dahil pupunta sila sa Ice Cream Parlor para maglaro ng 'Truth or Dare' at dahil nga sa nangyari nung sabado ay hindi na ako sumama. Binigyan ko naman sila ng tig-iisang bukol sa ulo dahil sa ginawa nila sa akin sa mall. Mwahahaha! ^0^
And then may nakita akong tatlong lalaki na tumalon at humarang sa daraanan ko. Isa sa kaliwa, isa sa kanan at isa sa harap. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ko at lumapit naman ang isa pang guy. May hawak siyang panyo at itinakip sa mukha ko... Pagkatapos ay nawalan na ako ng malay...
KIDNAPPERS!! 0.0
Nakaupo ako sa silya at nakagapos ang mga kamay ko sa likod. Tumingin ako sa paligid, sa tingin ko gabi na...
"Gising ka na pala... Tamang tama!"
May biglang lumabas na biik na nag-sasalita sa harapan ko. Isang biik na naka-leather jacket. o__O? Kakaiba na talaga ang mundo ngayon. Tsk! Tsk! Tsk!
"Oh, bakit may biik na naka-leather jacket dito?" tanong ko nang wala sa sarili. Siguro dahil, inaantok pa ako...
"Sino'ng tinatawag mong biik ha?!?! Gusto mong masaktan?!?!" nanlalaki ang butas ng ilong na sigaw niya sa akin. Eeeww!! Ang pangit nya, layo layo ng kaunti baka mahawa ako... Gosh...
"Alam mo mukha kang pamilyar... Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko
"Ehem! Mukhang nakalimutan mo na pero oo nagkita na tayo. Ako lang naman ang nagpadala sa hospital sa pangahas na lalaking iyon. Kwakhakhakahak!!" ^(oo)^ tumawa siya nang malakas, isang napaka-weirdong tawa. -___-"
"Sino?" tanong ko. Ang totoo nyan pinapatagal ko lang ang oras dahil sinusubukan ko na tanggalin ang tali sa kamay ko. Shoot! I broke a nail! Oh no!
"Sino pa ba kung hindi ang leader ng Lucky 13! Kwakahakhakak!!" ^(00)^ <--- Piggy Nose, mas lumalaki ang butas ng ilong nya kapag tumatawa. Kadirs!