chap. 27

311 2 0
                                    

XOXO

Alesana Marie

Pagkatapos namin sumayaw ni Timothy, pumunta muna kami sa balcony.

Pinagmasdan namin ang blue moon.

Ang ganda.

Habang nakatingin kami don, naramdaman ko na nilagay ni TOP ang coat nya sa balikat ko.

Ngumiti sya sakin.

"Alam mo ba ang kwento ng Blue Moon?" tanong ko sa kanya bigla

"May kwento ba ang blue moon?" -__^

Tumango ako.

"Ang sabi ng mga matatanda, kung sino daw ang kasama mo habang nakatingin sa blue moon ay sya daw ang makakasama mo habang buhay.."

"Naniniwala ka ba?" natatawa nyang tanong

"Pinagtatawanan mo ba ako?!"

"Pfft. N-No. Of course not" pigil tawa nyang sagot

"Seryoso ako!"

Tumigil sya sa pagtawa at naging seryoso.

"Naniniwala ka ba?"

"Hmm... Oo.." yumuko ako

Oo.

Kailangan kong maniwala don.

At kailangan mo rin maniwala Timothy..

Para kahit anong mangyari ngayong gabi..

May pag-asa parin tayong dalawa.

May panghahawakan tayong pag-asa.

Kahit na isang sabi-sabi lang yon.

Pwede parin tayong umasa dahil don.

Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"Ikaw?" tanong ko

"Hindi ko alam"

"Bakit naman? Kailangan mo rin maniwala don! Totoo yun!"

Tumawa sya.

"O sige, naniniwala na ako. Naniniwala ako hindi dahil sa blue moon.."

Talk back and you're dead chap. 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon