XOXO
Alesana Marie
Maaga akong umuwi nang hapon na yon.
Hindi ko na tinapos yung program.
Di ko alam ang gagawin ko.
Si Amarie kasi...
Parang ayoko pa syang harapin.
Ang sakit kasi.
Ang sakit isipin na nakasama sya ng boyfriend ko.
EX. EX-BOYFRIEND KO.
At ang isa pa, nabalitaan ni Kuya ang tungkol sa away namin ni Audrey sa school.
Tumawag kasi ang Guidance sa bahay.
Sina Mama at Papa nasa France ngayon.
Si Kuya Lee ang tumatayong guardian ko kaya sya ang nakausap ng Guidance Counselor namin.
"Gano kalala?"
Bungad sakin ni kuya pagkapasok ko sa bahay.
"Kuya."
Bumaba sya ng hagdan at lumapit sakin.
"Sino mas malala? Ikaw o yung nakaaway mo?"
Bumuntong hininga nalang ako.
"Nagpatalo ka Princess?"
"Kuya, pagod ako. Im gonna sleep."
"Okay. Okay. But next time please kung makikipag-away ka din lang. Galingan mo."
Nagtuloy-tuloy na ako sa hagdan at sa kwarto ko.
Nakakainis ang mga tao ngayon.
Bakit ba ang weak ko ngayon?
Si Audrey minamaliit na rin ako ngayon.
Pati na rin ang mga ka-schoolmate ko!
Samantha!
Bakit ang hina ko ngayon?!
Ang hina..
KAASAR!!
Di naman ako ganito dati ah!
Pero bakit ganito?!
Anong nagbago?!
Yung dating Samantha.
Yung matigas ang ulo at di nagpapa-api.
Nasaan na sya?
Naibato ko sa sahig ang bag ko at humiga sa kama.
Nakatitig lang ako sa kisame.
Iniisip ko na naman sya.
Si Timothy.
Ano na kayang ginagawa nya?
Iniisip nya rin kaya ako?
Naalala ko tuloy yung huling gabi namin na magkasama.
Yung pagtanggi nya sakin.
Kahit na handa na akong ibigay sa kanya ang lahat.
Di nya kinuha.
Para akong sira.
Ako pa ang nag-initiate at gumawa ng first move.
Pero sa bandang huli nirespeto parin nya ako.
Di nya kinuha kahit willing ako.
Nirespeto nya ako.
Di nya ako...
