XOXO
Alesana Marie
Habang yakap ko si Timothy naramdaman ko na parang tutumba na sya.
"Kailangan mong umupo muna"
"Im not drunk"
"Yes you are"
"No Im not"
"Yes you are"
"No Im not"
Tsk! Ang kulit.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni TOP.
Inalalayan ko syang umupo sa silya.
Pinagmasdan ko ang buong paligid. Yung mga unan nasa opposite side ng bed, parang ibinato sa pader.
Yung kumot nakalaylay na sa sahig.
May bote pa ng alak na basag sa may paanan ng bedside table.
Nung huling punta ko dito, ang pagkakatanda ko organized ang mga gamit at malinis.
Yung kurtina nakasarado pa.
Ang dilim tuloy!
Parang bahay na to ng bampira ah. Alcoholic na disorganized na bampira.