Chapter Two - That Guy

47 2 0
                                    

~ Liliana's POV

"Get out. Now!" Sigaw ko sa maid habang tarantang taranta nyang pinupunasan yung dress ko. As if namang mapapatuyo nya agad. Tss!

Natapunan kasi ako ng tubig. At ang nakakainis tapos na akong kumain at ready na sana akong pumunta sa school kaya lang nabasa ng tubig yung dress ko. Hindi naman talaga ako masamang tao para manigaw ng tao lalo na't maid lang sya at walang kalaban-laban pero once na gumawa kasi sila ng bagay na kinakainisan ko hindi ko mapigilang magalit kaya napapasigaw ako at lumalabas ang pagkamaldita ko. Hay nako, calm down Liliana.

The truth is, hindi ko naman problema ang malate sa school kasi first day palang pero ang di ko lang kasi talaga matanggap ay ang magpalit ulit. Nakakatamad kaya. Ugghh! Badtrip talaga! Padabog akong umakyat papunta sa kwarto ko ng hindi linilingon yung maid.

In the end, nagpalit pa din ako ng damit. As if namang I'm going to school with that kind of dress. Ano na lang sasabihin ng mga tao? Malamang sasabihing naghihirap na ako at pagtatawanan din ako. Ayaw ko namang mangyari yun.

Iniscan ko yung wardrobe ko kung anong pwede gamitin pero wala akong mapili. Ni minsan di ko pa nagagamit ang mga to kaya lang wala akong magustuhan. Magaganda naman sila pero hindi ko lang feel isuot sila ngayon. Ano kaya? Ang hirap naman. Kainis kasi yung maid na yun! Naghihirap tuloy akong pumili ng masusuot ngayon. Tss.

Napalingon naman ako sa left side ko. There, I saw a glass cabinet exclusively made for a special dress. Dun linalagay lagi yung mga gift na dress ni mom sakin. Every month mga dalawa o tatlo ang binibigay nya sakin. Kabibigay nya lang yung dress na nakahanger dun sakin nung isang araw. Of course maganda at elegant, si mom ang nagdesign eh. Mataas talaga ang fashion sense ni mom. Libangan niya kasi ang magdesign pero never niyang naisipang magpatayo ng botique.

Di na ako nagdalawang-isip, kinuha ko na iyon at sinuot. Color black ito na may pink flower prints at see through sa may part na belly. 3 inches above the knee ito at napakacute talaga.

After kong maisuot kinuha ko naman yung shoes na binili ko sa Brazil last summer, plain white sya at 4 inches ang taas. Pagkatapos ko isuot yung heels ko humarap ako sa full length mirror sa room ko. Ang ganda ko talaga parang goddess lang. Haha! AT FYI, I DON'T WEAR MAKE-UP, okay? I use lipstick tho. Natural na ang beauty ko kaya di ko na kailangang magpaganda pa lalo. Sinuklay ko ng huling pagkakataon ang aking mahabang buhok at kinuha na ang aking bag.

There, I'm ready to go!!

Aaahh. It's good to be back. I go to the Georgetown Academy, at senior na ako! Yaaaaay!

♥ Cholo's POV

Ready na akong pumasok sa Georgetown Academy. Oo dun ako mag-aaral ng fourth year. Wala eh, matalino, nagkascholar. Galing ko talaga. Kaya lang medyo kinakabahan ako, pano eh puro mayayaman ang nag-aaral dun sigurado pagtatawanan nila ako. Pero hahayaan ko nalang sila, ang gusto ko lang naman eh mag-aral at maiahon ang pamilya ko sa kahirapan.

Maayos naman siguro itong suot ko, di naman kami naghihirap masyado dahil may mga lupain din kaming pinagtataniman. Nakat-shirt ako na tinernohan ng maong na pantalon at bagong biling sapatos. Disente parin naman akong tignan at syempre gwapo! Yabang ba? Di rin, tapat lang akong tao.

Bago ako umalis ng boarding house eh sinilip ko ulit ng isang beses ang itsura ko sa salamin. Inayos kunti yung buhok at nagpogi sign. Ayos na yan. Haha! Tuluyan na akong lumabas at nagabang ng jeep. Hiling ko na lang ngayon ay magkaroon ng kaibigan, kahit isa lang basta ba mabait at hindi mapanlait...

Pagkasakay ko ng taxi sinabi ko na kay manong ang patutunguhan ko at inabot ang pamasahe. Pagkatapos ay bigla nanaman akong kinabahan. Ano kayang naghihintay saakin doon? Magiging masaya kaya ang pagpasok ko  doon o uuwi lang ako ng talunan? Haaaay. Sana naman maging maayos ang lahat. Tama na nga ang pag-iisip, tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon