Chapter 5 - Fiance Ko ♥

24 2 0
                                    

♥ Liliana's POV

"...I'm full. I better get going. Bye dad, mom." And then I kissed them both with a blank expression in my face. Kahit naman nainis ako sa kanila eh dapat ko pa rin silang respetuhin.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng dining room. Papasok na lang ako sa school. Kahit maaga pa. Pupunta na lang muna ako sa cafeteria at itutuloy ang pag kain ko. One thing you should know about me, mahilig akong kumain in short malaki ang appetite ko.

Anyway, nakalabas na ako sa door ng bahay at patungo na ako ng garahe.

Haaay. Naalala ko na naman sila mom. They always think about business, bat di man lang nila ako pagbigyan. Yung gusto lang nila ang nasusunod. I never asked something big from them, I've been a good daughter, hindi pa ba yun sapat?

Papasok na ako sa kotse ko ng may malalim na iniisip. Inistart ko na yung engine at nagdrive na papuntang school. Isinantabi ko muna yung iniisip ko about kina mommy baka mamaya mabunggo pa ko neto. Mahal ko pa ang buhay ko.

Haaay! Ang boring ng buhay ko no? Wala man lang thrill, ay may thrill pala, yung pagiging robot ko. Ang saya lang diba? Tss. Napailing nalang ako, mas mabuti nalang na wag kong isipin yun. Aha! I have an idea. Something just for fun...

Well, mamaya ko na gagawin yung idea kong something just for fun sa school.

After 10 minutes of driving, narating ko na yung school. Pagkapasok ko naman sa main gate ng school nagdiretso na ako sa parking lot para ipark yung car ko.

Ayun may spot pa. After ko magpark di pa rin ako lumabas ng kotse ko. Wala akong kasabay, ayokong pumasok mag-isa sa room kasi baka sumulpot nanamang mga manliligaw ko jan. Yep, meron akong tatlong schoolmate at limang kabatch na manliligaw meaning 8 sila dito sa school and I HATE IT!

I dialled Chels' number. At the third ring, sinagot na nya ito.

"Hello?" Sagot nya from the other line.

"Hey, Chels. Where are you?"

"Cafeteria. Why?"

"I want you to come over and pick me up." Utos ko sa kanya. I hope susunod sya, may pagkatamad din kasi to minsan eh, gaya ko.

"Whuut? Wherrsh your car?" Tanong naman nya. I know she's eating right now kaya ganon sya magsalita. Tss.

"No. I'm here sa parking lot. Come and fetch me, now." Naiinis na ako sa totoo lang. Bakit di nalang kasi nya ako puntahan dito at sunduin para tapos ang usapan? Geez.

"Can't. I'm eating. And what makes you think na susunduin kita para sabihing 'come and fetch me, now'?" She said mimicking my voice.

Inend ko na yung call. Alam ko namang hindi rin sya papayag. Bakit ko pa kasi tinawagan. Uggh! Wala na akong magagawa, papasok na lang ako mag-isa.

I gathered my things at lumabas na ng kotse. Tinignan ko yung paligid at napansing halos lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ganon ba talaga ako kaganda para itigil pa nila ang mga ginagawa nila at...may tutulong laway? Kidding. Pero seriously, nakakairita. Hindi ba nila alam na staring is rude? However, pinabayaan ko nalang sila at nagpatuloy sa paglalakad.

"Good morning, babaeng masungit!"  Narinig kong sabi ng isang nakakairitang boses na sobrang hyper mula sa likod ko. What the F! Umagang -umaga, nambubuwisit nanaman.

Humarap ako at tinignan sya ng masama. Akala ko mga suitors ko ang mangiinis ng umaga ko yun pala itong province boy lang na to. Well, mas maganda ng sya kaysa naman sa kanila.

"There's no--ibig kong sabihin, walang maganda sa umaga pag meron ka." I said and rolled my eyes. Shocked? Thats my oh-so-brilliant-not-fun plan. Nakita ko namang napatigil sya at napanganga. Di ko naman sya masisisi, sanay ako at sila na english ang ginagamit ko pag nakikipag-usap sa kanila. Pag nagtatagalog ako mga isa o dalawang word lang ang tagalog. Kaya lang di ata nila nahahalata, hindi naman ako masyadong nakikipag-usap eh.

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon