Chapter 14 - Apartment

21 1 0
                                    

♥ Liliana's POV

"Pwede ba, ibaba mo na ako. Kaya ko ng maglakad, okay?" Sabi ko kay shokoy gamit ang naiirita kong boses. Buhat buhat pa rin nya ako at gusto ko ng bumaba dahil naiilang ako. Pero di nya ako pinapakinggan. Patuloy lang syang naglalakad na parang walang naririnig. Tss.

"I said ibaba mo na ako. I can manage to walk. Wala ng masakit sakin kaya di mo na ako kailangang kargahin. Besides, you have two bags on your back, hindi ka man lang ba nabibigatan?" Totoo naman eh. Kung ako ang nasa lagay nya kanina pa ako bumigay. With two bags on his back and me on his arms? Tibay din nya ah.

"Bakit ba parang concern ka sakin? Gusto mo ko no? Ayieee."

"Wow! Ang taas naman ng pangarap mo. Hindi ako concern at mas lalong hindi kita gusto. Like duh! Eww kaya!" Sagot ko naman saka ako umirap. Napakayabang nya at naiinis ako sa mga taong ganon. Pagkatapos nun hindi na kami nag-imikan pero di nya talaga ako binaba. Tss.

"Andito na nga pala tayo." Sabi nito habang binababa na nya ako. I looked around and realized we are in a 24/7 karenderya. Funny how there are also karenderyas open for 24 hours.

"What are we going to do here?" Tanong ko kay shokoy. Pero imbes na sumagot sya hinila na nya ako sa may mesang pangdalawang tao lang. Hindi lang kami ang customer ngayon, may iba pang tatlong tao ditong kumakain.

"Magshoshopping siguro tayo ngayon dito." Nainis naman ako sa sinabi nya. Tss. Malay ko ba kung anong gagawin namin dito. Pano kung magpapahinga lang kami dito at hindi kakain diba? Pero I hope kakain kami kasi gutom na talaga ako. Sumasakit narin yung tiyan ko kaya tumahimik nalang ako. Hanggang sa may lumapit sa aming babae na may katabaan, mga nasa late 40's na siguro ito na sa tingin ko ay may-ari ng karenderya.

"Hallus! Magandang night, beautiful at handsome! Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Masiglang bati nito saamin. Gabi na't lahat energetic pa rin sya. Diba dapat inaantok ang mga tao ngayon? Tss.

Nakaagaw naman ng pansin sakin ang kanyang biglaang pagngiti. Oh gosh. Nawawala yung dalawa nyang ngipin sa taas at sa gitna pa. And wait, its so yellow pa.

"U-uhmm. Kakain po s-s-sana kami dito, p-pero sa tingin ko po sa b-bahay nalang po kami k-ka-kakain. Sige h-ho, u-una na kami." Pautal-utal na sabi ni Shokoy. Parehas ata kaming nadiri sa may-ari. Nakakaawa nga syang tignan eh, ang lapit lapit ng mukha nung babae

sakanya kaya linalayo naman ni shokoy yung mukha nya. Muntik pa nga syang mahulog kanina eh. Hahaha! Poor shokoy. Tsk tsk.

"Hal-l-lika na Liana!" At hinila na nya ako paalis doon sa karenderya.

Nang medyo malayo na kami ay halata mong nakahinga na sya ng maluwag. Hahaha! Tawang-tawa pa din talaga ako dun sa nangyari.

"Pasensya ka na ah. Alam ko namang gutom ka na pero kasi eh, nawalan ako ng gana dahil dun sa babae. Naranasan ko naman ng kumain dun pero hindi ko naman sya nakita dati." Sabi nya at nagkamot ng batok.

"Maybe night shift sya."

"Siguro nga. Dun na nga lang tayo sa apartment. Yun lang ang malapit na kainan dito eh. Magluluto na lang ako. Kaysa naman dun. Ayos lang ba sayo?" Tanong nya saakin at saka lumingon. Patuloy lang kaming naglalakad ng sabay habang buhat nya parin yung mga bag namin.

"Oo naman. Ako din naman ayaw ko dun. Nawalan din ako ng gana nung ngumiti yung babae. Haha! Did you see her teeth? Its color yellow. At alam mo ba? Bungal sya at mismong sa gitna pa sa taas. Haha! Nagtataka nga ako kung saan napunta yung dalawa nyang ngipin eh baka naman nung natanggal eh nashoot sa linuluto nya. Hahahaha!" Kwento ko sa kanya na sinundan ko ng tawa. Nakitawa na din sya saakin. Tumagal ng mga 30 seconds yung pagtawa namin. Medyo OA nga eh pero wala kaming pake. Pareho na naming kinakalma yung sarili namin. Nagkatinginan naman kami. Tumitig lang sya sakin at ganon din ako, bigla syang ngumiti at masaya ko naman syang nginitian pabalik.

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon