Chapter 4 - Too good, but not for me ♥

28 2 0
                                    

♥ Cholo's POV

Haaaay! Kapagod ng araw na to. Kadarating ko lang galing eskwela. Wala naman kaming ginawang nakakapagod eh, sa una papakilala kami tapos pagkatapos nun idi-dismiss nakami ng teacher. Pagala-gala na lang ang mga estudyante dahil nga pagkatapos magpakilala ay madidismiss na ying class. Ahh alam ko na kung bakit ako napagod. Haha! Napagodako sa kakahanap sa mga buildings, cafeteria, library, pati CR!

Naalala ko yung itsura ko kanina, pawis na pawis tapos naliligaw sa daan, para na nga ako tanga eh. Hay nako. Nakakastress sa eskwelahan na yun.

Nandito nga pala ako sa boarding house ko ngayon, nakasalampak sa maliit kong kama. Ayos lang naman kahit maliit, mag-isa ko lang naman eh tsaka malambot naman dahil may foam eh sa probinsya papag lang higaan ko eh. Pero kahit na nakakamiss pa rin  sa probinsya, dito kasi ang hirap hirap. Lahat may bayad, eh doon tumingin ka lang sa paligid may makikita ka nang pwedeng lamunin. Masusustansya't sariwa na libre pa. Oha! Sarap kaya kumain pag libre. Yung mga tao pa dito ayaw saakin kesyo probinsyano daw ako. Ano bang mali sa pagiging probinsyano? Gwapo naman ako, maganda ang katawan, maginoo at matapang. Dagdag mo pang madami akong alam na trabaho pati gawaing-bahay, sa ganoong paraan hindi na sila mag-aalala sa future nila. Sabagay, mga gusto kasi nila eh yung mga may kumpanya at mga negosyo eh. Nakakapanibago talaga dito. 

May naalala naman ako bigla, yung malakas na boses nung babaeng masungit sa school. Haha! Sa tuwing makikita ko sya nakasimangot tapos pag kinakausap laging nakasigaw. Ganon ba sya sa lahat ng tao sa school o sa akin lang? Gayunpaman, masasabi kong ang cute cute niya, lalo na pag inaasar pikunin kasi eh. Haha!

Napatawa naman ako sa mga pinagiisip ko. Para akong baliw dito, pero seryoso pag andyan siya masaya ako at napapangiti unconciously. Malay ko kung anong meron sa kanya pero masaya ako at nakilala ko sya. Basta cute sya at gusto ko pa syang makilala ng husto.

*Yaaaaawn*

O ayan, humikab na ako ibig sabihin inaantok na ako. Sige, ha? Tulog na ako! Goodnight sayo!

ZzzZzzZzzZzzZzzZzz ...

♥ Liliana's POV

*Yaaaaawn*

Kinusot-kusot ko yung magkabila kong mata using my two hands.

*Yaaaaawn* I yawn again. Uhh. Tinatamad akong pumasok. Obvious naman siguro no? Inaantok pa ako. 8 in hours lang ang sleep ko and it supposed to be atleast 10 hours. I wanna go back to sleep, and hey, nevermind school. I was about to close my eyes when...

*Dog barks*

...I remembered I have a dog. One thing na pinagsisisihan ko ay ang pagkakaroon ng aso sa loob ng room ko. Eh istorbohin ba naman ako sa I-wanna-go-back-to-sleep drama ko? Pero what can I do? Napakacute nya. The moment I saw him at the pet shop, I fell at first sight. Haha!

"Good morning, marshmallow baby!" However, bumangon pa din ako. Di ko naman sya matanggihan eh. Oh such a cutie. I pull him into a hug, what's sweet about him is he knows how to hug back coirtesy of me, of course. That's my dog, he's a poodle, color white. I'm a dog lover and I love sleeping next to them.

Nakipaglaro muna ako sakanya. Kinakamot ko yung stomach nya, swear gustong-gusto nya ng ginaganon. After how many minutes pinakain ko naman sya.

Pagkatapos ko pakainin si Marshie, naligo na ako and prepared for school. Bahala na yung mga maids magpaligo sa kanya. Kung pwede lang sana ako ang gagawa nun eh, I don't want kasi na iba iba yung humahawak sa kanya but wala akong choice kasi mah pasok kaya sa afternoon ko lang sya napapaliguan mismo.

After 45 minutes nakaligo na ako at nakapalit. I didn't bother applying make-up. Powder lang talaga at lipstick.

I got my back and went downstairs. Kakain nalang ako and I'm off to school. Pagkababa ko naman nadatnan ko si mom and dad. Nagtatawanan sila and they really seem happy. I smiled. Its very overwhelming,  seeing my momand dad like this makes me want to just stand and watch them, ayoko silang istorbohin kaya tatayo muna ako dun. What a nice view. Kaya lang napansin ko nakapang business attire na naman sila. Ano pa nga ba? Uuwi lang naman sila saglit dito eh tapos yung pagdating pa nila saktong tulog na ako tapos paggising ko paalis na naman sila. Dahil sa business madalang lang kami magsama-sama.

Kung ako nga ang tatanungin kung masaya maging mayaman, isasagot ko ay no. Well yes because your life is like prince or princess living in a castle but becoming successful means sacrificing a lot, happiness and family ay ang mga halimbawa. Being a heir or heiress of a big company is not that easy, hindi ka dapat papetiks-petiks nyan, mahirap kasi aakuhin mo lahat ng responsibilidad. Just by thinking na mamamahala ako sa kumpanya namin in the near future sumasakit na ulo ko.

"How's first day, princess?" Asked my dad. Nakangiti sya pero halata mo pa din na businessman sya kasi may halong authorative at seriousness ang boses at tingin nya.

"School's fine, dad. There's just this guy that is pestering me." Sagot ko naman with matching tonong naiinis sa last sentence ko.

"Really? Is he some kind of a suitor or a stalker?" Mom squealed. Alam ko kinikilig at excited nanaman sya. He loves to see boys lining on our gate. Hindi nya ito pinapaalis o pinapagalitan, pinapapasok pa nya! Ano bang feeling nya, sya liniligawan? Then go, sakanya na silang lahat.

"Nah. He's just there wherever I go. Speaking of suitors, may tumigil na ba sa panligaw." Tanong ko naman kay mom hoping na wala na lahat ng suitors ko.

"No. In fact, it became manier." Mom said looking happy. My eyes grew wide Uggh! Yeah, she's happy because they were all rich and its good for the business.

"What!? Mom, dad, can you do something to stop them?" I asked irritated. Medyo tumaas na yung boses ko. Nakakainis!

"Were sorry, princess. But you have to be atleast patient and kind to them. Please do understand, you know that this is helpful right?" Yeah, right helpful nga. Tss. Ang sarap pumatay ngayon, nakakainis! Wala man lang ba silang pakialam sa nararamdaman ko? Sa gusto ko?

"Yeah. Too good for your business...but not for me, not to your own daughter..." Sagot ko sa sinabi ni dad. I hate them. Puro business nalang talaga ang laman ng utak nila. Konti nalang, mapapagod na ako.

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon