Chapter Three - Province Boy

35 2 0
                                    

♥ Liliana's POV

That Apolo or Rom-- uggh! Whoever that guy is, he's sitted at my back and that wide grinning of his makes me want to kick his balls hard, I mean really really hard. Napakayabang nya ah. May gana pa talaga akong ngitian? Di ba sya natinag sa pagsigaw ko sakanya kanina? Tss.

"Good Morning to all of you students. I'm Mrs. Julie Grandey, to those who don't know me and since its the first day of class, please introduce yourselves..." Psh. Eto nanaman tayo eh. Kelangan ba talaga to? Aksaya lang naman ng oras to eh. Pwede namang tanungin nalang mismo sa tao ang pangalan nila diba? Plus, it's really boring! -_-

"...miss if you don't mind?" Sabi nung adviser namin. Tinutukoy nya yung classmate namin sa front row. Tumayo naman sya at pumunta sa harap para magpakilala.

"Hi! I'm Cindy Crawford, Crawford Airlines." Kung nagtataka kayo, ganyan talaga ang pagpapakilala namin dito sa Georgetown. Pangalan tsaka family business. Ang weird diba? Di ko nga alam kung sino nakaisip nyan eh. Kung ano anong mga pauso nila.

"I'm James Anderson, Anderson Mall and Lim-Anderson Resto and Hotels." Blah blah blah... I wasn't actually listening, as if naman interesado ako sa buhay nila. Payamanan lang naman ang gusto nila eh...

Madami pang nagpakilala sa harapan. Most of the time hindi ako nakikinig, pasulyap sulyap lang ako kung di familiar yung name saakin. Of course kailangan ko ding maging updated at aware sa mga buhay ng mga taong nakapaligid saakin.

Nagpatuloy pa din ang introducing churva sa klase. Tinignan ko yung oras at malapit na ang time. Hanggang sa ako na yung pinatayo ni Mrs. Grandey. Wala na din akong choice kundi sumunod.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at mabagal na naglakad. Silently praying na sana magbell na.

"Please hurry up, miss Montez. You're wasting our time." Eh yun naman pala eh bakit pa namin ginagawa to? Waste of time lang naman pala eh di itigil na total kilala naman na niya ako. Pero nagtuloy-tuloy pa rin ako papuntang harap para lang matapos na.

"Liliana Montez, Montez Empire." Yan lang sinabi ko at bumalik na ulit sa upuan ko.

Napansin ko naman na malapit ng matapos ang lahat ng students kaya I decided na wag nalang sila pansinin until class is dismissed pero may isang taong nakaagaw ng pansin ko.

"Hello! Ako si Cholo Nathan Lucero, 18 years ng lumalanghap ng oxygen, taga Camapian Province ako, at may mga lupain kaming pinagtataniman. May mga alaga akong hay--" Ahh. So, Cholo is the name. Pffft! Haha! Nakakatawa tong si probinsyano na to. Lahat tumatawa na pero parang walang syang naririnig at patuloy lang sa pagsalita. Hindi ko na nga maintindihan yung sinasabi niya eh. Tawa kasi ng tawa mga classmates ko. Sino ba namang hindi matatawa? Eh tignan mo naman yung way ng pagpapakilala niya. Seryoso? 18 years ng lumalanghap ng oxygen? Pwede nya namang sabihin na 18 years old na sya ah. Hahahahaha! Ang weird ng isang to. Tsaka ano yung sinabi nya, may lupa silang pinagtataniman? Business na nila yun? Oh wow. So, pano sya nakapasok dito? For the record, isa ang ito sa mga pinakamahal na school sa Pilipinas.

"Are you sure na dito ka nag-enroll? I can't imagine people like you, enter a school like this." Sambit ng isa sa mga classmates namin ng matapos magsalita si province boy. Tumango-tango naman yung iba pa naming classmate including me. Totoo naman eh, mataas ang tuition fee dito sa Georgetown so pano nya na-afford?

"That's enough, class. Okay, since were all done, will start our official lesson tomorrow, class dismissed." Pagaawat ng teacher samin. Hindi na namin inintindi yun kasi the magic word is on. Class dismissed na, aangal ka pa ba?

♥ Cholo's POV

Hala! Nawawala ako. Di ko na alam kung nasaan ako at kung saan ako pupunta. Kailangan ko talaga ng magiging tour guide nito eh. Pero parang napakaimposible nun kasi pag nagtatanong ako sa mga estudyante di ako pinapansin, yung iba naman lilingon saglit tapos biglang tatawa. Ayos pa naman nung nagtanong ako kaninang umaga ah bakit ngayon mukhang ayaw na nila saakin?

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon