Chapter 11 - Friends 2.0

23 2 0
                                    

♥Liliana's POV

"Hey! Ibaba mo na nga ako. Please lang!" Shini-shake ko pa yung seesaw para lang ibaba nya ako pero di pa rin sya natitinag! Eto sya ngayon tumatawa, sana nga malagutan na sya ng hininga eh. Kainis!

Alam nyo ba kung bakit sya tumatawa? Kasi...

*Flashback few minutes ago*

"Masaya lang ako dahil kasama ulit kita...at...at ang...ganda mo." Napatulala ako dun. Ang straight-forward naman nya magsabi ng kanyang feelings. I mean, di man lang nahiya? Nautal? O nabulol? Tsk.

Tapos bigla nalang...

"Waaaaaaaaaaah! Mooommyyyy!" Super higpit na ng hawak ko sa hawakan ng seesaw. I hate this man so much! He's an annoying jerk! Bakit? Eh habang tulala ako, bigla nalang niyang tinaas yung paa nya sa ground kaya naman bumaba dun sa side ko tapos nung nagland yung side ko sa ground napatalon ako sa inuupuan ko dahil sa lakas ng impact. My butt hurts! Huhu!

*End of Flashback*

Sino namang hindi magagalit at magugulat dun diba?

Bababa na sana ako para saktan tong lalakeng to kaya lang tinaas nanaman nya yung sa side ko. Nakakainis talaga! Kung ako makababa lang dito siguradong di na sya makakapasok pa sa school kinabukasan!

"I hate you! I really do! I swear, Cholo, makababa lang ako dito sisipain ko yang pototoy mo! Ako mismo ang mananakit sayo!" At dinuro-duro ko pa sya. I really wanna go down now. Nagsisisi ako na sumama pa ako sa kanya. This is such a waste of time!

"Wahahahahahaha! Wait, 10 seconds. Hahahahahahaha! Woooh! Di ako makahinga. Hahahaha! Nakakatawa ka talaga!" Yan lang naman ang sagot nya sakin! Grrrrrrr! Nakahawak pa sya sa tyan nya ha with matching punas sa luha na bunga ng sobrang pagtawa.

Makakaganti din ako sayong shokoy ka! Hintayin mo lang dahil sa oras na ibaba mo ko dito 50/50 na ang buhay mo!!

***

Up until now, nasa taas pa din ako. Ang dami na ngang nagsialisang mga tao na mas nahuli pang dumating kesa samin eh. This sucks! For 20 minutes nakaangat lang ako habang nakataas ang mga paa at nakapangalumbaba.

*Sigh* Pang-ilang buntong-hininga ko na rin yan. I didn't bother to shout, argue, talk or even look at him. I cant afford to lose my remaining energy. Pati nga paggalaw di ko na magawa. I'm so tired na talaga. Nakatingin lang ako sa mga batang naglalaro sa slide. Nakakainis talaga! Buti pa sila malaya ngayong nagtatakbuhan at naglalaro. Samantalang ako nastuck sa taas ng seesaw. Saklap no?

What if tumalon ako? Baka sumemplang ako mabali pa mga buto ko. Magwala kaya ako dito para matakot sya at ibaba na lang ako? Nah. Baka bansagan ako ng mga tao dito ng 'babaeng incredible hulk'.

Uggh! Ang sakit sa ulo nitong shokoy na to. Ano bang gagawin ko!?

Lihgt Bulb!

Dalawa lang naman ang naisip kong paraan para makababa dito:

A. Patuloy na pagtalon pababa para mas bumigat ako at bumaba din yung inuupuan ko then tatakbo ako ng mabilis paalis sa seesaw.

B. Magmakaawa ako sa kanya para ibaba na ako.

Wait, is that even an option? Of course di ako papayag na magmakaawa ang isang Liliana Montez! That is so not me. Baka ipagkalat nya pa sa school or worse gamitin nyang pamblack-mail sakin. Ayoko nga nun. Tss!

I continued to think. Atat na atat na akong bumaba.

Next thing I knew, Im already going down. Ganun pa din kahit alam kong binababa na ako ni shokoy di parin ako gumagalaw, nanatili pa ding nakataas yung dalawa kong paa at nakapangalumbaba. Muntik pa nga akong mahulog eh, buti nakahawak ako. Hanggang sa naramdaman kong nareach na nung seesaw yung ground saka lang ako lumingon sakanya.

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon