Chapter 13 - Waiting Shed

18 2 0
                                    

♥ Liliana's POV

Almost 18 years of my life, all I've been wanting is to be free. But right now, I think hindi ko na kailangan pang hilingin yan dahil malapit ko na tong maranasan.

The fact na aalis na ako sa bahay na iyon feeling ko nakalaya na ako sa napakabaho at napakadilim na lugar. Para akong nakakulong na hindi nasa kulungan. Alam nyo yun? Yung literal na hindi ka nasa loob ng kulungan pero ang nararamdaman mo ay ang nararamdaman din ng mga bilanggo. Ang kaibahan lang ay may sala sila kaya sila nakakulong samantalang ako ay nakakulong dahil sa pagmamanipula ng mga magulang ko sa buhay ko.

Bawat hakbang na tinatahak ko ay napakaimportante, para kasi sakin ay sinisimbolo nito ang unti-unting pagtalikod ko sa buhay na meron ako bago ako nagdesisyong umalis. Sinisimbolo din nito ang unti-unting paglaya ko at pagbabago ng buhay ko...sa paraang gusto ko.

Napakasaya ko ngayon pero hindi ko maitatangging kinakabahan din ako. There's no assurance kung anong susunod na mangyayari sa buhay ko. Di ko alam kung magiging ligtas ba ako or worse di ko alam kung mabubuhay pa ako pagkatapos nito.

Nagflash naman bigla sa utak ko ang mga posibleng mangyari sa akin sa daanan. Pwede akong manakawan, masaktan, makidnap, ikulong sa isang warehouse o abandonadong building, talian ang mga kamay at paa tapos lalapitan ako ng kumidnap sakin, maghuhubad, huhubaran din ako, hahaplusin ang katawan ko at hahalikan sa--Waaaaaaaaah!!

Tinuktok ko yung ulo ko. Ayaw ko munang mag-isip ng malalim sa ngayon. Isipin ko muna dapat kung paano ako magsisimula. Pero san nga ba ako pupunta? Titira? Hindi ako dapat tumira malapit dito at hindi rin pwedeng makitira ako sa mga kamag-anak ko. Kung lalayas na lang ako dapat sa malayong malayong lugar na lang dapat ako pumunta, sa payapa, masaya at simpleng lugar para maiba naman. Besides, malaki ang maitutulong nun sakin sa paglimot ko sa buhay na iniwanan ko. Kahit naman siguradong mahihirapan ako sa pag-adjust sa new environment na pupuntahan ko ay sigurado din namang makakasanayan ko din yun.

Haaaay. Anong klaseng lugar ba yung ganon? I don't have any idea kung pano ako makakapunta sa lugar na hinahanap ko.

Luminga linga ako sa paligid. Medyo malayo na din pala ako. Kinuha ko naman yung phone ko sa bag para icheck kung anong oras na at napag-alamang 10 minutes nalang before 12 midnight. Napansin ko ding wala akong messages at calls. Of course di pa nila alam na naglayas ako dahil wala yung parents ko sa bahay, yung mga maids naman tulog tsaka yung guard? Hindi ako nakita dahil sa hidden door ako dumaan, nakocoveran yun ng leaves at pag hinawi mo yun makikita mo na ito. Ako lang at sila mom ang nakakaalam nun for emergency purposes daw.

Naalala ko naman sila Chelsea, sasabihin ko kaya sa kanila na naglayas ako? No. As much as I want to inform them wag nalang. And knowing them lalo na si Stacey magffreak-out yung mga yun. Para na din kasi ito sa safety nila, hindi sila magaling magtago ng secrets kaya I'm sure na pag tinanong sila ng parents ko it will be obvious na there lying. It's better to keep it on my own. Desisyon ko to kaya dapat panindigan ko. I am strong, I can do this.

***

Here I am still walking going to nowhere. Linalamig na din ako pero good thing I have my jacket with me. It's past 12 at hindi ko parin alam kung san ang patutunguhan ko. I just continued walking. Lutang na rin ako na parang siraulong may mga dalang bag habang naglalakad sa kalsada ng ganitong oras. Sino ba naman kasi ang matinong maglalayas tapos di naman alam ang pupuntahan. I'm such an idiot but that's okay. If being an idiot will set me free, then okay lang.

I sighed again. Pagod na pagod na din ako at gusto ko ng humiga. Parang anytime bibigay na yung katawan ko. Gutom na din ako kasi di naman madami ang nakain ko kaninang dinner. And duh! Kahit madami akong kinain kanina for sure magugutom pa din ako ngayon. Maglakad ka ba naman ng mga dalawang oras.

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon