Chapter 7 - "Huy, girlfriend!" ♥

23 2 0
                                    

♥ Liliana's POV

"Liliana!?" Uhh. Okay? What is so shocking about me?

Hinarap ako bigla ni province boy tapos gulat na sinabi yung pangalan ko.

"Yes?" Tanong ko sakanya. Bat ba gulat na gulat to?

"Wala. Sorry. Nagulat lang ako. Hindi ko kasi inaasahang ipagtatanggol mo ako sa mokong na to." Sabi nya pagkatapos ay tinuro si Marco and of course, magpapatalo ba ang isa?

"Tado ka! Ang yabang mo! Probinsyano ka lang naman ah! Ano bang ipinagmamalaki mo? Kung umasta ka parang ang taas taas mo!" Uggh! Nagatakip ako agad ng tenga. Ang sakit nya sa eardrums. Nang marealize ko kung anong sinabi nya bigla akong nainis ng sobra. Humarap ako sakanya, tatarayanko to.

"Marco, actually he has something to be proud of. Because someone like me is indeed a precious gem." Taas noo kong sabi sa kanya habang nakapamewang.

"What do you mean?" Gulong-gulo naman sya sa sinabi ko.

"Up to you to find out, Marco...come on Cholo." I grabbed Cholo's arm and then walked away.

"Oi." Kinalabit ko sya as soon as makalabas kami ng cafeteria. Pero, the hell, hindi ako pinapansin? Dyosa ako, like hello?

"Province boy." Still, nothing! I'm starting to get pissed! I waited for 2 more seconds pero wala parin. Ugggh!

Fine, aalis na ako. Sinasayang nya ang oras ko. Diba nya alam na na napakamahal ng oras ko at ayaw na about ayaw Web kong pinaghihintay. Hmp! *Walk, walk, walk*

"Wait lang." Pagpipigil nya saakin. No, Liliana, wag kang lilingon.

"Sungit, sandali!" Don't fall for his trap, Liliana. Just keep walking. Walk. Walk. Wa--

"Huy, girlfriend!" Napatigil ako sa pagchant ng just keep walking. Parang opposite ang nangyayari. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, I can't even seem to move a single inch! What's happening to me!?

Umalis ka na Liana, wag mo syang kausapin. JUST WALK!

Pero wala pa din, di talaga ako makagalaw. Ano ba to? May ginawa bang spell tong province boy na to sakin?

Suddenly I felt a hand wrapped around my wrist. It was Cholo...leading me into somewhere I'm not familiar and into somewhere I've never been.

♥ Cholo's POV

Tumigil ako saglit at lumingon kay Liliana dahil nga hatak hatak ko sya eh nahuhuli sya kesa sakin.

Pero teka, tulala ata to ngayon ah. Parang timang lang. Anyare? Tinitigan ko sya saglit pero walang epekto. Pag ginahawa ko kasi yun naiinis sya pero ngayon talagang nakatingin lang sya sa kawalan at halatang may malalim na iniisip.

"Huy, Sungit! Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya habang kinakawayan sya sa tapat ng kanyang mukha. Hala! May sakit ba to?

Yinugyog ko pa sya ng konti at tinapik-tapik sa pisngi.

"A-aah. Sorry? What did you say?" Hay salamat naman at natauhan na.

"Nakatulala ka lang naman po saakin, mam. Gwapo ko po kasi masyado no?" Hahaha! Diring-diri naman ang itsura nya pagkasabing pagkasabi ko nun. Saka hinampas ako ng bag nya. Nagiging brutal nanaman ang isang to.

"Napakayabang mo! You're not gwapo. And hey, let. go. of. my. hand!" Balik na nga talaga sya sa kanyang tunay na sarili. Sumisigaw nanaman eh tsaka ang sungit nanaman. Ayos yan! Hay nako. Sungit poreber. Hinala ko may dalaw to araw-araw.

"San nga pala tayo pupunta? Gutom na ako." Sabi nya at hinimas himas ang tyan. Uhhm. Medyo malayo na kami sa school pero gutom na sya.

Babalik pa ba kami sa school? Pero ayoko na sa cafeteria eh pati tinatamad na ako...ahh alam ko na! Haha! Ano kayang itsura neto pag kumakain sa tabi-tabi lang?

Ginala ko ang paningin ko at boom! Tatawid lang kami at nandun na anh hinahanap ko. Masaya nanaman to.

"Tara dun tayo oh."

"Whaaaat!? You've got to be kidding me!"

Runaway Together (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon