Anecdote

97 4 0
                                    

"Sa'yong Pagdating"


Inihanda ko na ang aking pamilya. Pinipigilan na nila ang kanilang damdamin. Alam na nila ang dapat gawin. Pinipilit nilang wag lumuha nang nalaman nila na ikay darating. Hindi mo sinabi ang petsa, ngunit sinabi ko na sa kanila ang dapat tandaan at gawin sa nalalapit na araw na ito. Ibinilin ko narin sa kanila ang malilikot kong pamangkin. Ipinaalam ko narin na hindi mo gusto ang malaki at sosyal na okasyon at madaming pagkain. Ipinaanyaya ko narin saking pamilya ang mga bisita lalo na ang nakakakilala sayo at sakin.

Sa hindi namin inaasaha'y bigla ka na lang tumawag at di namin namalayan na ngayon pala agad ang dating mo, kaya gahol na gahol sila at halos nangingiyak na sa di inaasahang pangyayaring ito. Hindi na ako tumulong sa pagkilos at paghahanda nila sapagkat ika'y aking kasama. Pagod tayong dalawa kaya sabay tayong nagpahinga habang inaasikaso ng aking pamilya ang mga bisita. Maraming dumalo at halos maya maya nila tayong sinisilip ng tahimik sa ating kama. Ang iba pa'y nangingiyak sa di nila siguradong damdamin.

Madaming nag ku-kwentuhan sa labas,likod at gilid ng ating higaan. Nagtatanong sila kung anong dahilan ng iyong pagdalaw. Inaalala naman ng iba ang masasayang pangyayaring nagdaan. Tatlong araw pagkatapos nito'y tayo'y magkasamang mamamasyal. Pupunta tayo sa tahimik at payapang lugar. Matagal ko ng ipinaalam sa aking mga mahal sa buhay na isasama mo ako sa iyong tahanan. Alam mo na kasing may iniinda akong karamdaman.

Ito na! Ito na ang araw ng aming paglisan. Ang araw na 'di natin gustong maranasan. Inihatid parin nila ako kahit hindi nila gusto, kasabay ng himig ng malungkot na musikang nasa tabi ko. Paalam ! Sasama na ako sa Hindi Pag-iral. Papunta na ako sa Alabok na aking pinagmulan. Iiwan ko na ang bakas ng kaligayahan. Ituloy niyo ang mga bagay na aking sinimulan. Sege ! Iwan ko na kayo . Matutulog na ako.

"Sa'yong Pagdating"                     
   Ni Danielle Claire Marcelino
(pitchdarkqueen)

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon