B.N.M.N.A.K.
Bitaw na,
Wala na nanamang ibang nakakapit kundi ikaw na lang,
Ito na ata talaga ang pinakamasakit
Yung patuloy kang lumalaban
Habang siya
Sumuko na
Siyam na po't siyam na dahilan
May siyam na po't siyam naman akong dahilan upang ikay aking iwanan.
Pero alam mo ?
Sa isang daan ?
Kumapit ako sa isa lang.
Sa isang rason upang hindi ka bitawan.
At ang isang yun ay ang salitang Mahal kita dahil Ikaw Lang.
Kahit na ramdam ko naman talaga
na wala na..
Wala na..
Wala na dahil hindi ko alam kung paano sisimulan.
paano sisimulan kung ang simulang ito ay magmumula sa katapusan.
Hindi ko alam kung paano babalikan ang ating nakaraan.
Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito lang.
Hindi ko alam.
Hindi ko alam.Hindi ko alam dahil akala ko totoo ang sinabi mo na tayo ay parang kape lang.
Na Kasing init ng kape ang relasyon nating dalawa, kasing tamis,kasing sarap, kasing saya.
Pero tama ka nga.Para nga tayong kape.
Matamis pero pwedeng pumait.
Magsisimula sa kapeng mainit patungo sa kapeng malamig.
Kaya minsan ipinipikit ko na lang ang aking mga mata.
Tapos iisipin kung paano ibabalik pa.
Parang ganto.
Sisimulan kong muli sa mainit na kape.
Aabutin ko ang baso kasabay ng pag abot kong muli sa iyo.
Lalagyan ko ng kapeng barako. Kasabay ng pagpapaalala ko sayo ng ating mga pangako
Ibubuhos ko ang mainit na tubig
Kasabay ng pagbuhos ng aking umaapaw na pag ibig.Hahaloin ko ang kape namagsisimula muli ng lahat
Sabay higop at sasabihing kathang isip lamang ang lahat.
Kathang isip.
Kathang isip ko na lang ang abutin ka,
Kathang isip ko na lang na mapasakin ka.
Sa Kathang isip ko na lang sinasabi na akoy iyong naalala
Sa kathang isip ko na lang sinasabi na tayoy magtatagal
Sa kathang isip ko na lang Nararamdaman na akoy iyong mahal.Sa kathang isip na lang.
Pauulit ulit kong Ipinipikit ang aking mga mata kahit alam kong kathang isip na lang talaga.Paulit-ulit !
paulit-ulit!
paulit-ulit!Kahit na sa bawat ulit ay pasakit ng pasakit.
Dahil wala na,Finish na !
Bakit kasi kailangan pang tuldokan kung pwede namang koma at elipsis ang nasa hulihan.
Bakit kasi niligawan mo pa ako
Kung mapapaltan din pala ng KAYO
Yung TAYO.Ang sakit.
Kaya Tatanggapin ko na lang.
Na wala na talaga ang ikaw sa akin at ang ako saiyo
Tatanggapin ko na lang na ang dating ikaw at ako ay malabo ng muli na maging Tayo.Kaya tama na,
Tama na. Masyado ng masakit,msyado ng mapait, msyado ng malameg.
Tama na !
hindi na siya nakakapit.B.itiw
N.a
M.alameg
N.a
A.ng
K.ape.If you want a video of this poem.
You can click the link below👇https://youtu.be/hPjQIBBxp_0
Or for more info:
Follow me on Wattpad 👇
pitchdarkqueen 👈👈👈
On Instagram babybear_kleyr with a Username of pitchdarkqueen
Or on Facebook pitchdarkqueen kleyr (official wattpad FB)
And Neil Alexia Maria Tena (personal FB)but please add me at my official wattpad FB. PLEASE !🤗
Don't forget to Follow and Vote in every parts. Thank-you and
Enjoy Reading ! 😘
BINABASA MO ANG
Binibining Makata
PoesíaAng Binibining makata ! Halina't tuklasin ang tula ng isang makata Tula ng pag-ibig, buhay at iba't ibang mga genre! --- Copyrighted ---