"Unang Pag-ibig 1.0" SpokenWordPoetry

30 0 0
                                    

"Unang Pag-ibig 1.0"
(Based on the Author's Short Story entitled Priceless Love.)

Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampo.

Sampo, sampong beses tumibok ang puso kong nasa kawalan. Noong ika sampong araw ng ika sampong buwan. Ipinaramdam mo sakin ang pag-ibig na walang basehan. Kaya naman kahit minahal koy iba,ikaw ay laging nandyan. Pero...

Siyam, siyam na beses kitang ipinagtabuyan. Siyam na beses kong ipinamuka sayo na di ka kailangan. Binalewala kita kasi sabi ko wala kang kwenta't kakayanan.

Walo, walo dagdagan ng sampo.
Labing walong taong gulang ako nung inibig ko ang iba't ibang tao. Tao na pinaniwala ako sa salitang 'I love you' pero di nag tagal, agad silang nag loko.

Pito, pitong dabog at hakbang ang ginawa ko mapalayo lang sayo. Kasi naman napakapakialamin mo. Di'mo na nga ako binibigyan ng tamang kalinga at pagmamahal. Tapos ang lakas pa ng loob mong sabihing ako'y nahahangal.

Anim, anim na beses sa isang araw mokong pinaparangalan. Sabi mo kasi wag muna ako mag madali kasi madami pang iba diyan.

Lima, halos limang beses kong tinatanong kung bakit ako pa? Bakit ako pa ang pinili mo kahit madami pa namang iba? Bakit sa dinami rami ng tao ba't ikaw pa ang binigay sa aking na makasama?

Apat, apat na buwan kitang sinaktan, kasi naman bakit ikaw pa, ee madami namang iba. O kaya bakit ikaw lang? Bakit kung sino pa yung wala, siya pa yjng hinahanap ko at kailangan?
Ngunit. Apat rin, apat na beses mong din binibigay ang lahat para lang ako'y mapakain. Na kahit apat na barya lang ang kumakalansing sa araw-araw na latang iyong dala-dala. Ipinaparamdam mo paring kaya mokong buhayin kahit na bulag ka. Na kahit nag-iisa ka. Na kahit tayo lang dalawa. At iyon ang diko nakita.

Tatlo, tatlong letra ang laging kasama. Tatlong letra, na di'ko nakikita ang halaga. Tatlong letra na nagparamdam sakin ng tunay na pag-ibig na dapat kong makasama. Pag-ibig na walang kapantay. Pag-ibig na walang humpay. Tatlong letra, at iyon ang "Ama"

Dalawa, dalawa na lang tayo pero nahihirapan kapa. Dalawa na lang tayo pero pinagtatabuyan pa kita. Sabi ko kasi nakakahiya ka. Ayoko kasing bulag at walang kakayanan ang aking ama. Pero mali pala ako. Ako pala ang bulag, kasi di'ko na kita na ang tunay na pag-ibig na aking hinahanap ay nandyan lang pala sa aking tabi. Dalawang libo't dalawang daan kong pagsisishan na hindi ikaw ang pinili kong pagmamahal sa araw-araw maging sa gabi. Ngunit.

Isa, isa na lang ako ngayon. Isa na lang akong lumalaban. Isa na lang akong nagsisi. Isa na lang akong nabubuhay kasi nandito kana sa sementong aking tabi. Bakit huli na nung nalaman kong ikaw lang pala. Bakit huli na nung nalaman kong sayo lang pala ako sasaya. Bakit huli na? Bakit ngayong wala kana? Bakit ngayong puntod mo na lang ang aking nakikita? Bakit ngayon pa? Pero kahit alam kong hindi ko na maiibalik ang mga nasayang na pagkakataon sa ating nakaraan. Ay hindi ko pinagsisisihan ang mga payo mo at ibinigay na mga karanasan. Kaya kahit nasan ka pa man. Lagi mong tandaan na ikaw lang ang isa, nag-iisang ama na hindi mapapantayan ng kahit sino pang gwapong lalaki o ng kahit ano pa. Ikaw ang nag-iisa, ang aking unang pag-ibig. "AMA"

-PitchdarkqueenKleyr
(Imaginative Spoken
Word Poetry based on
The story Priceless Love.)

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon