Ang Math ay parang pag-ibig natin.
Math...tagal tagal na rin tayong nagkakasama………Math…atag na parang wala ng makapaghihiwalay sa ating dalawa…. Math…ibay na parang di nakakaranas ng mga problema…Hindi man ako Math…alino pero Math…ino naman ako… Hindi man ako Math…angkad para maipagmalaki mo pero pwede mo akong Math...awag na mahal kung nanaisin mo. Kaya kong ipagsigawan na mahalaga ka sa buhay ko. Sa buhay kong ito na napakagulo at akala ko’y mag-isa na lang ako sa mundo. Pero ang ikaw, ang ako, ang tayo ay biglang naglaho. Napunta na lang bigla sa X, at ang lahat ay nagbago.Sa pag-ibig hindi pwedeng may isa lang ang nagbibigay o more than, kelangan laging equal. Pero hindi eh, sabi mo one is to one. Anong nangyare? BAkit naging one is to many? Yan tuloy hindi na nagfunction. Akala ko ang lahat ay imahinasyon pero ang lahat pala ay real life situation. Huwag ka namang ganyan isipin mo din naman kahit papaano yung FUTURE value natin. Lahat ng problema may solusyon, may paraan pa naman diba? Wala na bang formula? Para masolusyunan ang lahat ng mga problema? Ang buhay kong ito na di ko na masagot lahat ng katanungan, sa mga problemang di ko na kayang masolusyunan, sa mundong ito na laging hinahanap si X para may mapatunayan. Di ko na masyadong maunawaan. Iniintindi kita pero bakit ako? Di mo maintindihan. Labis na din akong nahihirapan. Hindi ko na alam sayo kung pwede na lang bang wakasan o dapat pa bang balikan para lang sa lahat ng tanong magkaroon naman ng mga kasagutan.
Hindi ko na alam ang aking gagawin. Ang mawala ka sa buhay ko ay parang kay hirap nang alisin. Pero kahit na ganun, ang lahat ay ipapagpatuloy ko parin. Ipapagpatuloy ang paghahanap sa kasagutan maging tama man o mali. Ipapagpatuloy ang aking buhay kahit sa bawat pinaparanas mo sakin ay patindi na ng patindi. Mga formula lang ang kelangan para ang lahat ay masolusyunan. Dapat hinanap mo muna yung given, dapat hinanap mo muna kung sinong nandyan. Bago mo sagutan. Dahil imbes na mapadali ang lahat at mabigyan ang solusyon, pinapahirapan mo lang ang sarili mo at pinapalala mo lang ang sitwasyon. Dapat mag-ingat sa mga sign sign nayan dahil sa isang pagkakamali lang, lahat pwedeng masira, pwedeng mabago at pwedeng mawala
Math…anong lang kita? BAkit ba ng X ay kailangang balik-balikan pa ng paulit-ulit? Bakit ba ang X ay kailangan pang hanapin, ‘di mo ba alam na masyado ng masakit? At bakit ba ang X ay kelangan pang pag-usapan, kung marami naman dyang pwedeng pamalit? MAhirap kang unawain. MAhirap kang intindihin. Kaya mo akong tiisin pero ako ba? Hindi. Hindi kita kayang alisin. Sa buhay kong ito, sa paglago kong ito na dapat ay kasama ka parin. Ikaw at ikaw lang din naman ang nagawa ng problema mo, problema ko, problema natin na gusto mong masolusyunan ko. Ikaw at ikaw lang talaga ang dapat na namomroblema, dinadamay mo pa ako. Ikaw lang ang nagawa ng problema, na hindi ko alam kung ang sagot ko ay mali o tama. May sagot ba sa lahat ng iyong katanungan? Kase parang di ko na kaya. Pero hindi, Magkaproblema man tayo o wala, alam kong ang sagot ay ikaw lang. Tinuruan mo ako sa mga bagay na dapat saking limitasyon ay walang humadlang.
Exponential… Exponential… Exponential… sakop ba neto yung lalagyan mo sa taas ng numero sabay kung ano yung numerong yun, yun ang ititimes mo sa sarili mo? Try natin. Ikaw times ako equals tayo. Ay mali… diba ang dapat na ititimes sa sarili mo ay sarili mo? Tama din pala… ika’y sakin, ako’y sayo magkaparehas lang pala tayo. Pero try mo yung ikaw lang. Lagyan mo ng exponent na 2. Alam mo ba kung anong sagot? Syempre ikaw parin. Ikaw parin ang aking iintindihin. Ikaw parin ang aking papagtyagaan. At Ikaw parin ang aking uunawain. Pero bakit? BAkit kelangan mong magchange base kung talagang ako ang mahal mo? Bakit kelangan mo pang magsubtitute? kung sabi mo ay kuntento ka na sa kung anong merong tayo? PArang X raise to 2 na ako, Solving quadratic equation laging magiging single kase walang permanente sa mundo. Alam ko na. bakit di na lang kayo tayo magsolve noh? Ay magsolve lang pala, walang tayo. Kung dati, YOU MULTIPLY BY ME EQUALS FOREVER. Ngayon, YOU MULTIPLY BY ME EQUALS SYNTAX ERROR.
Inverse… Inverse… Inverse… kung tatagalugin man, ito ay ang kabaligtaran. Gaya ng kaisipan na kung dati mahal kita, ngayon hindi na, nagkakalimutan na. Tingnan mo yung tanong na 5y=5x+5, tingnan mo tapos sagutin mo yung “y”. Kung titingnan sa simula, parang mahirap umpisahang sagutan. Mahirap lalo na’t hindi mo na napag aralan. Hindi ko na pinag aralan yung satin kaya’t ako’y nagkamali at ang lahat ay sa kabaligtaran lang nauwi. Lahat gagawin nating kabaligtaran. Para ang lahat ay ating masagutan.
Logarithm... Logarithm… at logarithm parin. Dito kelangan mo lang ayusin ang lahat lahat ng given… dito isasaayos mo lang para magkaroon naman sila ng kanilang kalalagayan. Isasaayos mo lang para iyong maunawaan, masagutan at maintindihan. Buti pa yung base, Log, at exponent may pinagkakalagayan, samantalang ako sa buhay mo ay kinalimutan at wala ng puwang. Kapag 1 yung exponent, di na nilalagay kaya di na nakikita. Eh ako? Ako yung isang tao na nagmamahal sayo ng sobra di mo lang nakita ang halaga. Pito… Pitong proseso sa logarithm ang isinasaalang alang pero sa x lang din naman ang punta. Pitong proseso yun para sa lahat ng problema ay iyong masolusyunan na. Sana tulungan ako ng logarithm para malaman ko kung anong magnitude ang gumunaw sa mundo ko simula ng naghiwalay tayo. Gusto kong malaman kung gano kalakas ang yong pagkakabigkas sa salitang mahal mo pa ako at kung gaano nanghina yun simula ng tayo ay biglang nagbago.
Alam mo X parang asymptotes lang tayo, kahit kelan di na magkakatagpo, Dahil ayoko na sayo, lalayo na ako sawa na ako sa pag intindi at pag unawa sa isang katulad mo. Kahit ang lapit lapit lang natin sa isa’t-isa we will never ever be together no matter what. Kahit abutin pa ng forever, di parin pwede kase walang permanente. Parang parallel lines lang din tayo, kase kahit anong mangyare wala ng chance na magkrus pa ang landas natin kase di talaga tayo pagtatagpuin. At alam mo, para akong zero. Zero dahil kahit sino o anong ipartner sakin, sa huli walang maiiwan na resulta .. ako at ako parin …. Ang matitira.
-Nilikha ni Kaye Villaverde
(Inverse, Exponential, Logarithm)
BINABASA MO ANG
Binibining Makata
PoetryAng Binibining makata ! Halina't tuklasin ang tula ng isang makata Tula ng pag-ibig, buhay at iba't ibang mga genre! --- Copyrighted ---