"Unang Pag-ibig 2.0" SpokenWordPoetry

18 0 0
                                    

"Unang Pag-ibig 2.0"
(Rephrase due to Author's True life experiences."

Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo
Siyam
Sampo

Sampo, sampong beses tumibok ang puso kong nasa kawalan. Noong ika sampong araw ng ika sampong buwan. Ipinaramdam mo sakin ang pag-ibig na walang basehan. Kaya naman kahit minahal koy iba, ikaw ay laging nandyan. Pero...

Siyam, siyam na beses kitang ipinagtabuyan. Siyam na beses kong ipinamuka sayo na di ka kailangan. Binalewala kita kasi sabi ko wala kang kwenta't kakayanan. Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng iniwan ng basta-basta lang.

Walo, walo dagdagan ng sampo.
Labing walong taong gulang ako nung inibig ko ang iba't ibang tao. Tao na pinaniwala ako sa salitang 'I love you' pero di nag tagal, agad silang nag loko.

Pito, pitong dabog at hakbang ang ginawa ko mapalayo lang sayo. Kasi naman napakapakialamin mo.  Di'mo na nga ako binibigyan ng tamang kalinga at pagmamahal. Tapos ang lakas pa ng loob mong sabihing ako'y nahahangal.

Anim, anim na beses mo saking sinabi na gusto mokong balikan. Sabi mo kasi wag muna ako mag madali kasi kung hindi man ikaw, ay madami pa namang iba diyan.  Buti naman nakakain mo pa ang mga salitang yan. Ee ikaw nga tong unang nang iwan?

Lima, halos limang beses kong tinatanong kung bakit bumalik ka pa? Iniwan mo na ako diba? Bakit ako pa ang muli mong pinili kahit madami pa namang iba? Iyan ka nanaman ee, alam mo kasing kailangan at mahal parin kita. Kaya dinadaan moko sa kahinaan kong hayop ka.

Apat, apat na beses mo sanang mapag tanto na apat na taon pa lang ako nung ika'y lumisan at lumayo. Ngunit apat rin, apat na beses mong ginawa ang lahat ng iyong makakaya para lang ikay aking muling tanggapin.  Kaya sa muling pagkakatao'y tiningnan ko ang kinang sayong mga mata. Nakita ko ang liwanag ng pag-asa sa mga namumuong luha. Luha ng pagsisisi, paghihinagpis at pagmamakaawa na para bang humihiling ka na sa muling pagkakataon, "Isa pa" kaya...

Tatlo, tatlong letra ang gusto kong muling makasama. Tatlong letra, na di'ko nakikita ang halaga. Tatlong letra na nagparamdam sakin ng tunay na pag-ibig na dapat kong makasama. Pag-ibig na walang kapantay. Pag-ibig na walang humpay. Tatlong letra, at iyon ang "Ama"

Dalawa, dalawa na lang tayo pero nahihirapan kapa. Dalawa na lang tayo pero pinagtatabuyan pa kita. Inisip ko kasi na bulag ka, di mo kasi nakita ang sakit ng isang anak na iniwan ng ama. Pero mali pala ako. Ako pala ang bulag, kasi di'ko na kita na ang tunay na pag-ibig na aking hinahanap ay nandyan lang pala sa aking tabi. Dalawang libo't dalawang daan kong pagsisishan na hindi ikaw ang pinili kong pagmamahal sa araw-araw maging sa gabi. Ngunit.

Isa, sinayang ko ang isang pagkakataon na muli kang makasama. isa na lang kasi ako ngayon. Isa na lang ako kasi nandito kana sa sementong aking tabi. Bakit huli na nung nalaman kong ikaw lang pala ang bubuo sa tunay na pag-ibig na gusto kong madama? Bakit huli na nung nalaman kong sayo lang pala ako sasaya. Sabi mo dimoko ulit iiwan diba? Pero bakit puntod mo na lang ang aking nakikita?

Pero kahit alam kong hindi ko na maiibalik ang mga nasayang na pagkakataon sa ating nakaraan. Ay hindi ko pinagsisisihan ang mga payo mo at ibinigay na mga karanasan. Patawad kung ang puso ko'y namanhid at nagpakatanga. Kaya sana kahit nasan ka pa. Lagi mong tandaan na ikaw lang ang isa, nag-iisang ama na hindi mapapantayan ng kahit sino pang gwapong lalaki o ng kahit ano pa. Ikaw lang ang nag-iisa, ang aking unang pag-ibig, "AMA".

-PitchdarkqueenKleyr
(Came from "Unang Pag-ibig 1.0"
Rephrase Spoken Word Poetry
due to Author's True Life experience.)

Binibining MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon