"DaKaBaA"
A. ABaKaDa ng aking karanasan,kaibigan!
Kayo ang aking magsisilbing batayan.
Itong tula ay para sa inyo.
Ito, para sa mga taong lumalapit lang pag may kailangan.
Hindi
Kayo ang aking mga kaibigan.
Tatalikuran
At hindi
Ko kayo
Sasamahan.
Oo!
Hindi na tayo mag tatagal.
Hindi ako naniniwala na
Ang pagsasamahang ito ay puno ng kahulugan dahil
Alam ko na ang kwentong ating binuo.
Walang mapupuntahan! pero
Ba. Bakit sabi nila na ang lahat ng ito ay
Hindi magsisilbing hadlang na dapat nating harapin, na
Ang problema natin ay
Isa lamang pagsubok pero alam ko rin, alam ko rin.
Ang mga away natin at di pagkakaunawaan ay
Ang magsisilbing patunay na
Ang samahan at ang mga karanasang ito ay
Dapat na nating kalimutan.
Ang masasamang alalaalang ito ay
Dapat nating ilagay sa ating isipan na
Kahit kailan ay
Hindi!
Naging estudyanteng huwaran, dahil.
Tayoy palaging nagtutularan.
HindiTayo ay nagtutulungan!
Lakwatsa at bisyo ang inuuna natin at
Hindi
pag-aaral muna
Oo!
Pinagmamalaki ko!
Minahal ko kayo ng sobra pero
masama ang naidudulot ng barkada, oo kayo!
Ka. Kailangan kalimutan ang isat isa. Wala na
Gumising na tayo sa katotohanang hindi kailangan na
Patagalin pa ang tulang ito.
Hindi kailangan naSabay-sabay nating lagpasan ang pagsubok sa landas na ating tatahakin.
Da. Dapat
kayo ang kasabay ko
Ngayong aakyat na tayo ng entablado,
Nagkamali ako dahil
Baka
Hindi medalya ang isasabit sakin pag kasama ko kayo pero
Sinabi ko sa sarili ko na kaya kong mag-isa at
Magiging masaya ako kahit hindi kayo kasama,
Nagkamali ako nung sinabi ko na
Kayo ang bumuo ng pagkatao ko!
Oo!
Tama kayo ng narinig at maririnig.
Ito talaga ang tototooPero teka! Teka!
Mali na yata ang binitawan kong mga salita.
Baliktad yata ang mga pantig at letrang akong tinula.
Kaya sa pagkakataong to gusto kong baliktarin ang langit at lupa.
Gawin nating simula ang katapusan
At sa wakas natin muling simulan. Parang ganto!Ito talaga ang totoo.
Tama kayo ng narinig at maririnig.
Oo! Kayo ang bumuo ng pagkatao ko!
Nagkamali ako nung sinabi ko na Magiging masaya ako kahit hindi kayo kasama, Sinabi ko sa sarili ko na kaya kong mag-isa at Hindi medalya ang isasabit sakin pag kasama ko kayo pero Baka Nagkamali ako dahil Ngayong aakyat na tayo ng entablado, kayo ang kasabay ko.Da. Dapat Sabay-sabay nating lagpasan ang pagsubok sa landas na ating tatahakin. Hindi kailangan na Patagalin pa ang tulang ito. Gumising na tayo sa katotohanang hindi kailangan na Ka. Kailangan kalimutan ang isat isa. Wala na masama ang naidudulot ng barkada, oo kayo! Minahal ko kayo ng sobra pero Pinagmamalaki ko! Oo! Pag-aaral muna Hindi Lakwatsa at bisyo ang inuuna natin at Tayo'y nag tutulungan Hindi Tayoy palaging nagtutularan. Naging estudyanteng huwaran, dahil. Hindi kailan ay Dapat nating ilagay sa ating isipan na Ang masasamang alalaalang ito ay Dapat na nating kalimutan. Ang samahan at ang mga karanasang ito ay Ang magsisilbing patunay na Ang mga away natin at di pagkakaunawaan ay Isa lamang pagsubok pero alam ko rin, alam ko rin. Ang problema natin ay Hindi magsisilbing hadlang na dapat nating harapin, na Ba. Bakit sabi nila na ang lahat ng ito ay Walang mapupuntahan! Pero Alam ko na ang kwentong ating binuo. Ang pagsasamahang ito ay puno ng kahulugan dahil Hindi ako naniniwala na Hindi na tayo mag tatagal.
Oo! Sasamahan Ko kayo at hindi Tatalikuran. Kayo ang aking mga kaibigan. Hindi Ito para sa mga taong lumalapit lang pag may kailangan. Itong tula ay para sa inyo.bKayo ang aking magsisilbing batayan. A. ABaKaDa ng aking karanasan, kaibigan!
-PitchdarkqueenKleyr
(Combination of Name Poetry
and Reverse Spoken Poetry)
BINABASA MO ANG
Binibining Makata
PoetryAng Binibining makata ! Halina't tuklasin ang tula ng isang makata Tula ng pag-ibig, buhay at iba't ibang mga genre! --- Copyrighted ---